advertisement
TV

Mark Herras at Rainier Castillo, binalikan ang kanilang naging simula sa showbiz

1 of 9

Mark Herras and Rainier Castillo

Magkasamang bumisita sina Mark Herras at Rainier Castillo sa programang 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong August 15.

2 of 9

Throwback

Parte ng kanilang kuwentuhan sa araw na ito ay ang kanilang pangarap noong papasukin pa lamang nila ang mundo ng showbiz. Saad ni Mark, "Mababaw lang kami ni Rainier that time. Gusto lang namin magkaroon ng Playstation. Yung ang dream ko, pero ang pinaka-goal ko is to help my family."

Kuwento naman ni Rainier, "Hindi rin kami angat sa buhay, so 'yun din para makatulong sa family."

3 of 9

'StarStruck' days

Kuwento nina Mark at Rainier nami-miss nila ang iconic heartbeat sa 'StarStruck' pati na rin ang kanilang grupo at mga nakasama sa programa.

advertisement
4 of 9

Biggest names in their generation

Saad ni Boy Abunda ay maaaring sila ang naging biggest names sa kanilang henerasyon. Tanong niya kina Mark at Rainer, "what went wrong?"

Sagot ni Mark, "Feeling ko wala namang mali sa nangyari, kasi na-experience ko naman 'yung peak ng career ko before. And I am happy and thankful sa GMA dahil nagawa ko po lahat...Ako 'yung tipo ng tao na nakukuntento ako. Nakuntento ako sa naramdaman ko at sa buong showbiz career ko. Natulungan ko 'yung family ko, hindi naman ako nag-expect ng mas higher.

5 of 9

Rainier's decisions

Kinuwento naman ni Rainier ang pinagsisihan niya noon.

"Nire-regret ko sa mga nangyari ay nakakilala ako ng maling mga tao, mga maling napagkatiwalaan ko na ngayon 'yun na 'yung nabago ko na."

6 of 9

Balik showbiz

Si Rainier ay nagbabalik na sa showbiz pagkatapos ng matagal na panahon.

Ani Rainier, "Sa tingin ko po mga 10 years. Siguro po nalihis, namali ng landas parang ganoon. Naramdaman ko po na siguro na ito na 'yung time."

advertisement
7 of 9

Growing up

Itinanong rin ni Boy kung ano ang pakiramdam ni Mark na siya ay pinalaki ng gay couple.

Sagot ni Mark, "I am thankful for them kasi feeling ko hindi ako ganitong klaseng tao or nasa posisyon ng buhay ko ngayon kung hindi dahil sa kanila."

8 of 9

Kids

Ngayong parehong may anak na sina Mark at Rainier ikinuwento nila ang kanilang naging biruan para sa future ng kanilang mga anak.

Ani Mark, "Hindi naman fixed marriage, pero bilang babae 'yung anak ng best friend ko lalayo pa ba 'yung anak ko?"

9 of 9

Rainier as a dad

Ikinuwento naman ni Rainier sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kung paano niya ginagampanan ang role niya ngayon bilang ama.

"I'm a strict father, pero I am loving and protective."

advertisement