advertisement
TV

Vina Morales, may pasabog tungkol sa kanyang career

1 of 8

Vina Morales

Sa pagsalang ni Vina Morales sa Fast Talk With Boy Abunda, agad siyang kinamusta ng King of Talk. Aniya, "I'm just enjoying the present right now...Siguro maybe it's because I'm just grateful and thankful, so blessings are coming in."

2 of 8

Big announcement

Binanggit din ni Tito Boy kung gaano siya kasaya para sa malaking proyekto ni Vina Morales na dapat abangan ng kanyangfans. "I'm really so proud of you. This is a big big big global project that she's doing," saad niya.

3 of 8

Kapuso

Nang tanungin naman ni Tito Boy si Vina kung ano ang nami-miss niya sa pagiging isang Kapuso, ito ang kanyang naging sagot, "Marami, 'yung mga taong nakatrabaho ko 'cause you know, I've been here for so long. Dito ako nag-umpisa, Kapuso talaga ako. Ang nami-miss ko si Kuya Germs, syempre pamilya rin 'yon."

advertisement
4 of 8

Marriage

Pagdating sa usapang kasalan, naniniwala si Vina na mayroong lalaki na inilaan ang Diyos para sa kanya. "For now, I'm just taking it easy. In God's perfect time. I always believe na there's someone out there for me, the right one. Ayoko nang ipilit... I still believe in marriage," paliwanag niya.

5 of 8

Daughter

Vina Morales sa kanyang anak na si Ceana Lee: "I try my best to raise her as a good person, kind person and sa nakikita ko, mukhang tama naman 'yung ginagawa ko."

6 of 8

Career

Ikinuwento rin ni Vina kung ano ang naging highlight at lowest point niya sa kanyang career. "Ang highlight siguro yung sa amin ni Robin, kasi 'yun 'yung peak ng career ko na ang daming pelikula tapos nagbox-office 'yung movies namin together.Nagkaroon ako ng solo movies that time under Viva. The lowest probably I would say wala pa, thank you Lord," ani Vina.

advertisement
7 of 8

Love advice

Love advice ni Vina sa kanyang 14-year-old daughter na si Ceana: "I will be there for her, to guide her, whatever decisions she has."

8 of 8

Sample

Sa dulo, game na game naman na kinanta ni Vina Morales ang kanyang awitin na "Sa Puso Ko."