Sophie Albert at Max Eigenmann, magkasamang hinanap ang 'The Missing Husband' na si Anton

Bago ang nalalapit na pagpapalabas ng action-suspense-drama na The Missing Husband sa GMA Afternoon Prime, dalawang aktres na parte ng serye ang bumisita sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda.
Natunghayan sa pinaka-latest episode ng talk show ang pagsugod nina Sophie Albert at Max Eigenmann habang kunwari nilang hinahanap ang missing husband na si Anton Rosales (Rocco Nacino).
Sa pagbisita nina Sophie at Max, nakakwentuhan nila si Tito Boy tungkol sa kanilang mga personal na buhay.
Bukod dito, ilang bagay din ang ibinahagi at ibinunyag ng mga aktres tungkol sa kanilang co-stars sa upcoming series.
Silipin ang drama scenes at iba pang detalye sa naging panayam ni Tito Boy Abunda kina Sophie at Max sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.









