Balot man ng lungkot ang mga kasamahan ng GMA Integrated News Pillar na si Mike Enriquez, matapos itong pumanaw sa edad na 71 kahapon, sinariwa ng mga kasamahan niya sa GMA-7 ang magaganda nilang alaala kasama ang nag-iisang Booma.
Ngayong August 30 sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nakapanayam ng 'King of Talk' sina Joel Reyes Zobel, Susan Enriquez at Raffy Tima- kung saan ikinuwento nila ang ilan sa memorable moments nila sa award-winning broadcast journalist at ang mga natutunan nila dito.
Ayon sa seasoned radio anchor ng Super Radyo DZBB na si Joel, kahit perfectionist na boss si Mike, sa labas ng trabaho ay generous daw ito.
Lahad niya kay Boy Abunda, “Sa outside work, si Mike is a very caring friend…He is a generous person, kapag kami magpapaalam, 'Sir, ano, magbakakasyon muna kami mga two weeks.' [Sasabihin niya], 'Sige, bumalik ka agad ha!'
“Pero, papupuntahin ka sa opisina niya at bibigyan ka niya ng pocket money. Ganun siya ka-generous.”
Higit na kilalanin ang yumaong Kapuso na si Mike Enriquez sa gallery na ito.
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Missing Husband' sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Binigyan pagpupugay sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang pumanaw na haligi ng TV and radio broadcast industry na si Mike Enriquez. Ayon mismo kay Tito Boy, tinuturing niyang isang mabuting kaibigan ang beloved '24 Oras' anchor.
Ibinahagi ni Raffy Tima sa panayam sa kaniya ni Boy na nalaman niya sa misis niya na si Mariz Umali na namatay na ang kanilang Ninong Mike.
“Umiyak kami kaagad. Ninong namin si Mike sa kasal at doon ko nalaman na although may ganu'n expectation, nakakagulat pa rin. Nakakagulat talaga na wala na siya,” kuwento ni Raffy.
Sinabi rin ng Kapuso reporter na malaki ang paghanga niya kay Mike na hindi matatawaran ang passion sa trabaho.
“'Yung passion niya sa work, kahit ilang dekada na siya sa industriyang ito nandoon pa rin 'yung puso niya.”
Hindi naman daw pinaniwalaan agad ng TV-radio host na si Susan Enriquez ang balita na pumanaw na ang boss nila sa RGMA Network.
Aniya, “Getting ready for 'Dapat Alam Mo,' mero'n kaming isang group chat na biglang meron pinost na picture ni Sir Mike, parang inisip ko fake news naman ito.”
“Mga ganun 'yung tumakbo sa isip ko, pero siyempre pagbalik ko medyo may nagva-validate na totoo nga. Hindi ko maubos maisip na totoo na nga ba 'yun, in denial ka na totoo na 'yung balita na 'yun.”
Nalaman naman ni Joel Reyes Zobel na pumanaw na ang pinakamamahal nilang katrabaho at kaibigan nang personal niyang makausap ang misis ni Mike Enriquez na si Tita Baby o Lizabeth "Baby" Yumping- Enriquez.
Lahad din ni Joel na nagawa pa niya makita si Mike sa intensive care unit ng hospital (ICU).
Saad niya, “I decided to go to the hospital from GMA and I had the pleasure [and the] honor of seeing Mike, while he is in the ICU. Bago, isara 'yung body bag. Nakapagpaalam ako at nakapagpasalamat.”
Nang matanong ni Tito Boy si Susan ng fondest memory niya tungkol sa seasoned broadcast journalist, sinabi ng 'Unang Hirit' host na cowboy daw si Mike.
“Napaka-cowboy ni Sir. Mike. Kapag kasama mo yan sa remote coverage, naku, ang hilig niya bumili ng street food.”
Kumusta naman kaya bilang boss si Mike Enriquez?
Ayon kay Joel Reyes Zobel, perfectionist ang award-winning Kapuso news personality.
Paliwanag niya sa FTWBA, “Mike is a difficult boss.. perfectionist! The slightest mistake sa script and he will terrorize you.”
“Sa outside work, si Mike is a very caring friend…He is a generous person, kapag kami magpapaalam, 'Sir, ano, magbakakasyon muna kami mga two weeks, three weeks,' [Sasabihin niya], 'Sige, bumalik ka agad ha!'
“Pero, papupuntahin ka sa opisina niya at bibigyan ka niya ng pocket money. Ganun siya ka-generous.”
Taong 1995 naging Kapuso si Mike Enriquez at sa loob ng mahigit limang dekada ay nagsilbi siya sa kapwa niya Pilipino. Isa siya sa anchor ng flagship newscast na '24 Oras' at host ng long-running public affairs program na 'Imbestigador.'
Rest in power, Kapuso Mike Enriquez!