advertisement
TV

Barbie Forteza talks about humble beginnings in showbiz, 'Maging Sino Ka Man,' and personal life away from the klieg lights

1 of 13

Acting coach

Kinumpirma ni Barbie Forteza sa Fast Talk with Boy Abunda na ang kanya mismong mommy ang kauna-unahan niyang acting coach.

2 of 13

Auditions

Suki sa auditions noon si Barbie Forteza bago pa siya makilala sa entertainment industry.

3 of 13

Lesson

Inalala ni Barbie Forteza kung ano ang isa sa na-experience at natutunan niya mula sa kanyang mommy.

Kwento niya,“Naalala ko po 'yun kasi nag-audition ako for TV project, tapos magkakahelera po kaming mga bata. Binigyan kami ng script... So nag-isip 'yung nanay ko kung paano namin iibahin… Bagalan mo ang delivery… ibahin natin, bagalan mo, diinan mo. Tapos, nakuha ako.”

advertisement
4 of 13

Acting process

Kabilang sa mga napag-usapan nina Tito Boy Abunda at Barbie Forteza ay kung ano ang proseso ng huli sa pagiging artista nito.

5 of 13

Roles

Ayon kay Barbie, mayroon siyang ginagawa tuwing makakatanggap siya ng acting projects.

Pagbabahagi niya, “Inaaral ko po muna 'yung character. Para kapag binasa ko po 'yung script as my character na. Para madali na 'yung flow… Kinikilala ko muna 'yung character, binubuo ko siya muna.”

6 of 13

Maging Sino Ka Man

Mapapanood si Barbie Forteza sa upcoming series na Maging Sino Ka Man, kung saan magkatambal sila muli ni David Licauco.

advertisement
7 of 13

Movie

Isa sa mga itinanong ni Tito Boy Abunda ay kung pinanood ba ni Barbie Forteza ang pelikula noon na Maging Sino Ka Man.

Ayon sa kanya, “Pinanood ko po 'yung pelikula hindi dahil pressured ako. Gusto ko siyang mapanood kasi hindi ko po siya talaga time po eh… Mabuti mayroon online. I really loved the film…”

8 of 13

As Monique

Ibinahagi ni Barbie Forteza na walang conscious effort na ibahin niya ang atake na gagawin niya para sa karakter niya sa series na si Monique.

Pahayag niya, Hindi naman po siya conscious effort na ibahin kasi definitely iba po 'yung magagawa ko kasi walang makakapantay sa ating Mega Star [Sharon Cuneta]. Pressure on my part na hindi nila makita si Clay [Maria Clara at Ibarra]. Hindi dahil para ma-compare sa original.”

9 of 13

Fan

Ayon kay Barbie Forteza, isang proud Sharonian ang kanyang mommy.

advertisement
10 of 13

TV series

Masayang ibinahagi ni Barbie Forteza na malapit nang mapanood ang Maging Sino Ka Man.

Sabi niya, "Malapit na Tito Boy, September 11 na, Lunes."

11 of 13

Awards

Sinagot ni Barbie Forteza kung gaano ka-importante para sa kanya ang awards.

Sagot niya, “Para sa akin po kasi 'yun po ang dahilan kung bakit ako nag-artista. 'Yung pagsikat malaking bonus na po 'yun… I think 'yung awards kasi makaka-gain ka ng respect from the people you work with.”

12 of 13

Dream as an actress

“Isa sa mga pangarap ko makatrabaho 'yung mga iniidolo ko… Para makilala ka nila, para ma-introduce mo ng maayos ang sarili mo. Dapat may napatunayan ka kahit papaano. Isa po 'yun sa nagpu-push po sa akin para galingan.”

advertisement
13 of 13

Love life and career

Sa pagbisita ni Barbie Forteza sa programa, sinagot din niya ang katanungang kung paano niya napagsasabay ang kanyang love life with Jak Roberto at ang kanyang career.

Ayon sa kanya, “Siguro dahil secure din po naman ako sa sarili ko… 'Yung values ko, in tact naman siya. Malinaw naman sa akin kung alin ang work and thankfully I'm already here in the business for 14 years. Galing din naman ako sa love team before, way back, so kahit papano medyo may knowledge na rin ako kung paano siya i-handle.”