advertisement
TV

Lala and Antonio Vinzon talk about how Roi Vinzon is as a father

1 of 8

The Vinzons 

Masayang nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang beteranong aktor na si Roi Vinzon at ang mga anak nito na sina Lala at Antonio Vinzon sa Fast Talk with Boy Abunda.

2 of 8

Roi Vinzon 

Isa sa mga kilalang action star ang beteranong aktor na si Roi Vinzon.

3 of 8

Lala and Antonio Vinzon 

Kasama ni Roi Vinzon sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang mga anak na sina Lala at Antonio Vinzon. Isang singer, actress, at beauty queen si Lala habang si Antonio naman ay showbiz newbie at bahagi ng Sparkle Teens.

advertisement
4 of 8

Adjustable person

Tinanong ni Boy Abunda si Lala Vinzon kung kumusta ang pagkakaroon ng action star na ama. Ayon sa singer-actress, ang kanyang ama ay isang “adjustable person.”

Aniya, “Ever since po talaga, may misconception kasi 'yung intimidation ng mga tao sa kanya, masyadong malakas [at] matapang. Although, totoo naman po 'yun sa mga manliligaw madalas. Manliligaw namin tatlong babae.

“Pero ang hindi po alam ng nakararami ay si Papa po talaga ang under sa aming lahat. Sumusunod siya kung ano 'yung… Dinidisiplina niya po kami pero open din po siya sa ideas namin, nakikinig din siya, open siya sa ideas ng kabataan, si mama, kasi very adjustable person siya.”

5 of 8

Discipline 

Ayon kay Kapuso star Antonio Vinzon, dinidisiplina sila ng kanilang amang si Roi kung paano maging mabuting tao dahil ayaw ng huli na maligaw ang kanilang landas at ginagawa ito ng action star sa pamamagitan ng salita.

6 of 8

Bonding 

Isa sa bonding ni Roi Vinzon sa kanyang mga anak ay ang pagtuturo niya ng martial arts at action scenes.

advertisement
7 of 8

Advice 

Tinanong ni Boy Abunda si Roi Vinzon kung ano'ng leksyon ang natutunan niya sa showbiz na maibabahagi niya sa mga anak na sina Lala at Antonio, na nagsisimula na ring gumawa ng karera sa industriya.

Sagot ng batikang aktor, “Kapag bata ka 'yung attitude mo iba. Ang attitude natin dapat baguhin talaga. Through the days, through years, nawawala, gumaganda 'yan. Sabi ko, inuunaahan ko na sila, 'Anything you do, attitude lahat'”

Ayon pa kay Roi, mas importante ang maging mabuti kaysa sa maging magaling.

“Kasi sa showbiz, hindi ka kukunin kapag masama ang ugali mo. Number one 'yun, 'Ay mahirap pakisamahan 'yan. Magaling? Maraming magaling tuturuan natin, puwede nating turuan 'yan. Walang masyadong pangalan? Bigyan natin ng pangalan,'” paliwanag niya.

Dagdag niya, “Kaya nandiyan pa rin si Tito Boy.”

“At nariyan pa rin ang inyong Papa,” dugtong ni Boy.

8 of 8

Promises 

Nagbigay ng pangako sina Lala at Antonio Vinzon sa kanilang mga magulang.

“Hindi ko sila bibiguin at itutuloy ko 'yung pangarap ko,” ani Antonio.


Pagbabahagi naman ni Lala, “Hindi ko maipapangako na magiging perpekto akong anak, pero habang buhay po akong sasandal sa kanila kahit kaya ko na ang sarili ko. Gusto kong iparamdam sa kanila 'yun na nandiyan pa rin sila [sa buhay ko].”