advertisement
TV

Eugene Domingo, nagbigay ng relationship advice kay Pokwang

1 of 10

'Wag sumuko

Ang pangunahing payo ni Eugene kay Pokwang ay 'wag itong sumuko sa pag-ibig.

2 of 10

Hindi totoo ang kaya mag-isa

Ibinahagi rin ni Eugene na hindi totoo ang sinasabi ng ilan na "kaya ko, kaya ko, ako lang mag-isa." Paliwanag niya, "Darating at darating ang panahon na 'yung dalawa mong anak, magkakaroon rin ng sarili nilang pamilya."

3 of 10

Kasamang tatanda

Dagdag pa ni Eugene, importante din sa kaniya, at sa ibang mga kaibigan ni Pokwang, na may kasama ito sa pagtanda.

advertisement
4 of 10

Focus sa mga anak

Para kay Pokwang, sa ngayon, mas gusto niyang mag-focus na lang muna sa kaniyang mga anak at magbigay ng oras sa kanila.

5 of 10

Negosyo

Ibinahagi rin ni Pokwang na sa taong 2024, mas gusto niyang mag-focus sa negosyo. Dagdag nito ay magpapayaman na lang muna siya.

6 of 10

Prayers

Ngunit nilinaw ni Pokwang na pinagdarasal pa rin niya ang mahanap ang tunay na pag-ibig. "Kung hindi lang din galing sa kaniya (Lord), 'wag na," sabi nito.

advertisement
7 of 10

Assurance

Binigyan naman din ni Eugene ng assurance ang kaibigan. Sabi niya, "Meron totoong magmamahal saýo, dadating 'yan."

8 of 10

Pagsisinungaling

Samantala, tinanong naman sila ng host na si Tito Boy Abunda kung tanggap ba nila ang pagsisinungaling o hindi. Ang sagot nila, "Depende." Paliwanag ni Pokwang, "Depende siguro, kung anong klaseng lie, kung ano 'yung reason bakit siya nag-lie."

9 of 10

Lalabas din

Ayon kay Eugene, kahit itago ang pagsisinungaling ay lalabas at lalabas din ito "para rin sa sarili mong kaluwagan."

advertisement
10 of 10

Reason sa pagsisinungaling

Para naman kay Pokwang, kahit pa tanggap niya ang pagsisinungaling ng isang tao, importante rin na matanggap niya ang dahilan nito.