advertisement
TV

Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagbitaw ng pangako sa isa't isa

1 of 7

DongYan

Napuno ng tawanan ang guest appearance ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ''Fast Talk With Boy Abunda' kanina, December 13.

2 of 7

Dantes kids

Matapos ikasal sina Marian at Dingdong noong December 2014, biniyayaan ang celebrity couple ng dalawang supling. Ito ay sina Zia, na ipinanganak noong November 2015; at Sixto, na ipinanganak noong April 2019). Ano-ano kaya ang characteristics ng dalawa nilang chikiting?

3 of 7

Zia Dantes

Inilarawan nina Marian at Dingdong ang panganay nilang si Zia bilang isang “competive person.”Paliwanag ni Dingdong, “She is very competitive. Siyempre, creative. She is very creative, pareho silang creative. Inclined [talaga at] mahilig sa arts. Siya 'yung life of the party.”saad ni Dong.

advertisement
4 of 7

Sixto Dantes

Pagdating naman kay Sixto, ayon sa kanyang ama, “Siya naman medyo, patawa. Matagal siya mag-warm up, pero 'pag nakapag-warm up na siya talagang nagiging kalog na.”

5 of 7

Boss

Sinabi naman ni Marian kay Boy Abunda na malaki ang tiwala niya sa kaniyang mister sa mga desisyon nito at hindi raw nakalilimutan ni Dingdong na kunin ang kaniyang opinyon. Aniya, “Pero ako as a wife, malaki respeto ko sa asawa ko, e. Siya talagang tumatayong haligi ng tahanan. So, everytime na may decision kami: hihingin niya 'yung opinyon ko. Sasabihin niya 'yung ano kaniya, 'tapos, maga-agree kami. At kung ano 'yung magiging desisyon niya naniwala ako.”

6 of 7

Power of the purse

Agad naman sinabi ng Kapuso Primetime King na pagdating sa usapin ng pera ay si Marian ang humahawak dito.

advertisement
7 of 7

Pangako

Nakakakilig din ang mga pangakong binitawan nina Dingdong at Marian para sa isa't isa sa kanilang guestappearance sa 'Fast Talk With Boy Abunda.'

Binigyan-diin ni Dingdong Dantes na magiging “best friend” siya ni Marian. “Ako, parati ko sinasabi- pangako sa kaniya na magiging best friend niya ako, kahit anong mangyari. Ngayon kasi, iba 'yung dynamics ng relationship dahil may mga anak. Pero later on, alam naman natin na lalaki sila, 'di ba, magkakaroon sila ng mga sariling mga buhay. Pero kailangan kasi na klaro na bumabalik kami dun sa core kung bakit kami nagkakilala at bakit namin minahal ang isa't isa. Sa kabilang banda, ipinangako naman ni Marian sa kanyang mister: “Kahit ano'ng mangyari hindi ako magsasawang alagaan at intindihin ka araw-araw.”