Ilang celebrities, kinilala sa first-ever Fast Talk Awards ng 'Fast Talk with Boy Abunda'

Sa huling Biyernes ng 2023, tinapos ng Fast Talk with Boy Abunda ang taon sa isang nakatutuwang awarding - ang kanilang first-ever Fast Talk Awards.
Dito ay kinilala ng programa ang mga celebrity na game na game na sumalang sa interview kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.
Pero dahil ito ay katuwaan lamang, bunutan na lamang ang naging proseso kung sino ang mga mananalo sa iba't ibang category.
“Dahil po ito'y siniguro ho namin na talagang fair ang mananalo. 'Yung accounting firm natin, dahil nahirapan sila nang husto, ipinaubaya na nila. Oo 'yung Vice Chair, si Ardee, sabi n'ya, 'Bunutan na lang.'” birong paliwanag ni Boy.
Samantala, naging daan naman din ito upang balikan ang memorable moments, interviews, at inspiring stories na tumatak sa maraming manonood sa unang taon ng Fast Talk with Boy Abunda.
Nagpasalamat din si Boy sa lahat ng mga artistang kanyang nakapanayam ngayong 2023.
Aniya, “Thank you for making 2023, memorable. Maraming salamat po sa inyong suporta na ibinigay sa Fast Talk with Boy Abunda.”
Kilalanin ang mga artistang nanalo sa kauna-unahang Fast Talk Awards sa gallery na ito:











