advertisement
TV

Raymond Bagatsing at Jon Lucas, may hugot bilang mga kontrabida

1 of 11

Raymond Bagatsing and Jon Lucas

Nagsama ang batikang aktor na si Raymond Bagatsing at isa mga bagong henerasyon ng kontrabidang aktor na si Jon Lucas sa Black Rider. Pero pansamantala muna silang nagpahinga sa pagmamalupit para sumalang sa interview kasama si Boy Abunda.

2 of 11

Impromptu acting 

Bago ang kanilang panayam, nagpa-sample muna ng impromptu kontrabida acting sina Raymond Bagatsing at Jon Lucas sa Fast Talk with Boy Abunda.

3 of 11

Kontrabida

Pero anu-ano kaya ang mga hugot nina Raymond Bagatsing at Jon Lucas para sa pagiging kontrabida?

advertisement
4 of 11

What makes a kontrabida, good kontrabida?

Ito ang isa mga tanong ni Boy Abunda na sinagot ng dalawang aktor.

5 of 11

Psychology of kontrabida

Ayon kay Raymond Bagatsing, ang mga kontrabida ang siyang may mga wasak na puso. “Most kontrabidas, if you understand the psychology of kontrabida, bad boys, feeling nila lagi silang inaapi. Actually, meron silang broken heart, nawalan na ng tiwala sa society. It comes from a broken heart, yung nagtatampo, ako 'yung talo, ngayon ako naman 'yung babawi.”

6 of 11

Bida o Kontrabida? 

Para sa isang versatile actor gaya ni Raymond Bagatsing, ano ang mas mahirap: ang maging bida o maging kontrabida?

Sagot niya, “For me, Tito Boy, pareho lang naman, e. Mas malalim lang 'yung nararamdaman ng kontrabida kaysa sa bida. Ang bida kasi mas balanse.”

advertisement
7 of 11

Hugot

Hugot ni Jon Lucas, “Kakawala ka rin talaga, lahat ng bubog mo, naipon na, lahat ng sakit ng nararamdaman hanggang sa dumating na yung point na may pagkakataon ka na ipakita mo rin sa tao na deserve mo rin na maintindihan at mahalin.”

8 of 11

Let go

Ayon kay Jon Lucas, pinipilit niyang kumawala sa kanyang emosyon matapos ang taping upang hindi niya ito madala sa pag-uwi. Aniya, “After ng eksena hanggat maaari inaalis na natin 'yun sa isip natin.”

9 of 11

Emotions

Para naman kay Raymond Bagatsing, “Nadadala ko 'yung pain. Not naman totally because when I act, I try not to act. So, kapag naramdaman ko yun, umiyak ako, masama loob ko, totoo yun. When human beings are going through emotions, frustrations, nagre-register 'yan sa mind kasi naaalala yan ng mind e. So, nagbibigay siya ng mga ala-ala.”

advertisement
10 of 11

Technique

Gamit na gamit din daw ni Jon Lucas ang kanyang pagiging dancer sa kanyang action stunts. Aniya, “'Yung pagiging dancer din, kasi 'yung mga actions natin minsan choreograph din naman talaga siya. So, 'yung mga eksenang kailangan mong tumalon, kailangan mong tumambling.”

11 of 11

Fit

Pagbabahagi naman ni Raymond Bagatsing kung bakit nananatili siyang physically fit, “I just like working out. I think I enjoyed doing martial arts, manly things, motorcycle and stuff like that.”