advertisement
TV

Pops Fernandez on staying beautiful: 'Mas sure na ako sa sarili ko'

1 of 8

Pops Fernandez 

Bumisita ang tinaguriang Concert Queen na si Pops Fernandez sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.

2 of 8

Concert 

Sa darating na Pebrero, balik-live stage na si Pops Fernandez para sa kanyang concert na “Always Loved,” kung saan tampok ang kanyang mga bagong awitin.

3 of 8

Martin Nievera 

May tanong din ang batikang talk show host kay Pops Fernandez tungkol sa dati nitong asawa na si Martin Nievera.

“Why and how did you end up with Martin?” tanong ni Boy.

Sagot ni Pops, “Like I said, siguro it was the constant togetherness tapos madadala ka rin naman talaga sa mga tao, mga fans, they loved us together. We really do have chemistry. Siguro at that moment, parang alam ko break na sila. Although maraming [nanliligaw], siya parati 'yung kasama ko.”

Dagdag pa niya, “Ang parati kong nakakasama si Martin. So, it's easy naman to fall in love with Martin.”

advertisement
4 of 8

Love 

Hinarap din ni Pops Fernandez ang ilang tanong ni Boy tungkol sa pag-ibig.

“At this point in your life, nag-aantay ka ba ng pag-ibig o naghahanap ka ba ng pag-ibig?” tanong ng batikang talk show host.

“Parang neither. For me, there was a time na hinanap ko. There was a time na hinintay ko. Ngayon parang ang feeling ko, darating nalang siya. In other words, I'm not waiting. I'm just living my life happily the way I want to live it. And gusto ko ma-surprise nalang ako one day, 'Ayun na pala siya. Siya na pala 'yon,'" pagbabahagi ni Pops.

5 of 8

Lolly Pops 

Ayon kay Pops Fernandez, naging emosyonal siya nang makita ang larawan ng kanyang apo na si Phineas, ang baby ng kanyang anak na si Robin Nievera.

Kuwento niya, “Yung picture, actually, nakita ko na. Hindi ako kaagad nag-post because hinintay ko muna, siyempre, 'yung parents na mag-post. But it dawned on me, umiiyak ako at 2:00 a.m., 3:00 a.m., kasi number one, sabi ko, I can't believe I have reached that moment na lola na ako.

“It's not [that] I don't want it, it's like having another child. And 'yun na nga, parang I felt I missed out because I'm so far away. But I can't wait to actually smell him, carry him, touch him, and to be with my boys.”

6 of 8

Project 

Sinagot ni Pops Fernandez ang tanong ni Boy kung bukas ba siyang bumalik sa paggawa ng teleserye.

“I used to do teleseryes. Siguro, I would consider if I feel kaya ko 'yung role,” sagot ng tinaguriang Concert Queen.

Dagdag pa niya, “Hindi kasi ako masyadong nagpelikula, hindi ako masyadong umarte.”

Ayon kay Pops, bukas siya sa ideya na muling sumabak sa paggawa ng teleserye ngunit aniya, “As long as hindi po puyatan,siguro puwede.”

advertisement
7 of 8

Fast Talk 

Sumalang din sa "Fast Talk" segment ng programa si Pops Fernandez. Isa sa mga tanong para sa Concert Queen ay kung handa ba siyang magmahal muli.

“Yes! Ang lakas [laughs] sobrang lakas,” sagot ng singer.

8 of 8

Timeless beauty 

Isa sa mga tanong ni Boy Abunda para kay Pops Fernandez ay tungkol sa kagandahan nito.

“Bakit ang ganda ganda mo?” tanong ng batikang TV host.

Sagot ng kilalang singer, “Mas sure na ako sa sarili ko. Mas alam ko na 'yung gusto ko. Mas alam ko na 'yung hi-hindian ko at oo-ohan ko. Mas confident na ako.”