advertisement
TV

Cristine Reyes at Marco Gumabao, napag-uusapan na ang kasal

1 of 10

StarStruck

Sa Fast Talk With Boy Abunda, binalikan ni Cristine Reyes ang pinakana-miss niya sa 'StarStruck' Season 1. Sabi ng aktres, "'Yung samahan naming lahat. Hindi lang finalist pati 'yung staff and crew."

2 of 10

Marco Gumabao

Ayon kay Marco Gumabao, noon pa man ay crush na niya si Kristine. Nabanggit din ng aktor na malapit si Cristine sa kanyang pamilya.

3 of 10

Cristine Reyes

Ayon naman kay Cristine Reyes, "cute" ang naging unang impression niya kay Marco Gumabao nang una niya itong makita sa trabaho.

advertisement
4 of 10

Ara Mina

Ikinuwento rin ni Marco Gumabao ang reaksyon ni Ara Mina nang malamang may relasyon na sila ni Cristine Reyes. "Si Ate Ara, friend ko na s'ya noon pa. I worked with her a lot of times. So, noong nalaman n'ya, she was really happy for us."

5 of 10

Fast Talk

Inamin ni Marco Gumabao na siya ang nag-first move sa kanila ni Cristine Reyes.

6 of 10

Loyalty

Para kay Cristine, mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon at tiwala sa isang relasyon. Sabi niya, "The trust is not build in a day, it should be every day."

advertisement
7 of 10

Center of relationship

Importante rin para kay Marco na ang sentro ng relasyon ay ang Diyos. Sabi ng aktor, "It's always important to have God in the center of your relationship. So kapag nandyan si God sa center ng relationship mo, you will always pray for temptation to not go near you."

8 of 10

Pagpapakasal

Napag-uusapan na rin daw nina Marco at Cristine ang kasal. Pahayag ng aktor, "Basta ang usapan namin is 'yung future together. Pero 'yung details or kung ano, of course, pakaunti-kaunti. Pero 'yung mas longer [view] 'yun 'yung napag-uusapan namin."

9 of 10

Annulled

Inamin ni Cristine Reyes na annulled na siya sa ex-husband na si Ali Khatibi. Sabi ng aktres, "Matagal na, Tito Boy. Yes po. More than a year. Kasi, Tito Boy, hindi ko naman siya in-announce. It's not something I should celebrate."

advertisement
10 of 10

Happy birthday, Cristine Reyes!

Sa Fast Talk With Boy Abunda, nakatanggap si Cristine Reyes ng birthday message mula kay Empoy at sa kanyang kapatid na si Ara Mina. Nakatanggap din ang aktres ng surprise gift at cake mula sa programa.