advertisement
TV

Ejay Falcon, nakaranas ng paghihirap noong baguhan siya sa showbiz?

1 of 8

Ejay Falcon

Ilang mga kuwento ni Ejay Falcon tungkol sa kaniyang buhay ang ibinahagi kay Boy Abunda sa kaniyang unang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, February 5.

2 of 8

Buhay artista

Ayon kay Ejay, noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, nakarinig siya na hindi magagandang salita mula sa mga tao.

3 of 8

Salita

Inilahad ng aktor na pati ang kaniyang pananalita ay nahusagahan daw noong baguhan siyang aktor. Kuwento ni Ejay, may nagsabi sa kaniya na, "Paano ka mag-aartista hindi ka naman marunong mag-English?"

advertisement
4 of 8

Reaction

Ang naging reaksyon ni Ejay sa mga nagkomento sa kaniyang pananalita, "Nanliit ako ng sobra. Parang ito ba ang basehan ninyo? Kailangan magaling ka mag-ingles? Ito ang pagbabasehan ninyo?"

5 of 8

Indecent proposal

Naungkat din ang usaping indecent proposal. Sagot ni Ejay sa katanungan na kung nakatanggap ba siya ng indecent proposal ay, “Kasi ang hirap kasi, Tito Boy, nung panahon na 'yon kasi... punong-puno ako ng judgement. Kasi, for example, si Ejay Falcon, nakikita ng tao mahirap. So parang, iisipin nila, 'Ito 'pag in-offer-an, kakagatin 'to.' Kasi mahirap nga ako e.'”

6 of 8

Kissing scenes

Isa pa sa itinanong ni Boy kay Ejay, "Halimbawa, ang isang kaibigan na matalik, katulad ni Beauty Gonzalez. When you guys are required na maghalikan, how difficult is that?” Si Beauty ay kasama ni Ejay sa season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Sagot ni Ejay, “Hindi naman."

advertisement
7 of 8

Married life 

Sa usaping buhay may asawa, sinabi ni Ejay na ang kaniyang asawa na si Jana Roxas ang bumabalanse sa kaniya.

"Tito Boy, siya 'yung bumabalanse sa 'kin e. Ang dami kong ginagawa ngayon. 'Di ba, isipin mo, alam n'yo naman po na vice governor ako, and then, nag-aartista din. Tapos sinasabayan ko pa ng pag-aaral. So, ang dami kong ginagawa ngayon.”

8 of 8

Under

Itinanong ni Boy ang narinig na usap-usapan tungkol kay Ejay, "Ito ay mga bulong-bulungan lang naman. Pero diretsahang tanong, Under? under ka?”

Sinagot naman ito ni Ejay ng, “Under. Eh hindi naman, hindi. Hindi, Tito Boy. Hindi po.”