advertisement
TV

Christian Vazquez at Kimson Tan, 'trabaho lang' ang kanilang daring roles

1 of 10

Language

Kaparehas ng TV host na si Boy, nahirapan din noon sina Christian Vazquez at Kimson Tan sa pagsasalita ng Tagalog dahil sa kanilang ibang tono at kasanayang diyalekto. Dahil dito, na-insecure sila noong baguhan pa lamang sila sa showbiz ngunit natuto rin nila tanggapin at mahalin ang kanilang kaibahan.

2 of 10

Language lessons

Dahil sa kaniyang kasanayang tono sa pag-Mandarin at Fukien, kinailangan ng heartthrob actor na mag-language lessons para maging mas maayos ang kaniyang pagsasalita ng Tagalog.

3 of 10

Daring roles

Sa kanilang panayam, napag-usapan din nila ang kanilang daring roles sa Lovers & Liars. Noong tinanong ni Tito Boy kung nahihiya sila sa kanilang mga kaibigan at pamilya, parehas nilang sagot ay hindi dahil turing lang nila itong trabaho.

advertisement
4 of 10

Christian Vazquez as Victor Tamayo

Sa Lovers & Liars, hindi maiwasan ni Christian ang mga sexy scenes kasama ang kaniyang partner na si Lianne Valentin. Para kay Christian, malakas ang kaniyang tiwala sa mga direktor at producers kaya okay lang sa kaniya gawin ang mga daring na eksena. Ngunit nabahagi rin ng aktor na madalas niyang inaalahanan si Lianne kung may mga scenes na hindi okay para sa aktres. "So, kung may scenes na kailangan ko siyang i-kiss parang, 'Lianne please kung hindi ka komportable, please tell me because we're not gonna do it," kuwento niya.

5 of 10

Kimson Tan as Kelvin Chong

Challenging din ang ganap ni Kimson Tan dahil ang kaniyang karakter ay may gay lover sa naturang palabas. Inamin ng aktor na meron siyang pag-aalinlangan sa umpisa kung kakayanin niya ba ang bigating role. Pero para sa kaniya, basta alam niya ang kaniyang script at kilala niya ng mabuti ang kaniyang karakter, hindi nahihiya o nanenerbyos si Kimson sa kaniyang trabaho sa set.

6 of 10

Kissing scenes

Diretsahang tinanong ni Tito Boy si Kimson kung kaya niya na bang mag-kissing scenes sa isang BL genre na palabas. Ang sagot ng aktor ay hindi dahil "I don't see myself doing it as of the moment."

advertisement
7 of 10

Professional

Grateful si Kimson sa kaniyang co-stars na sina Lianne Valentin at Christian Vazquez dahil sa kanilang mga advice at pagtutulungan sa kanilang mga scenes sa set. Kuwento ng aktor, isa sa mga tips binigay ni Christian ay, "Try mo laruin yung eksena. huwag mo masyado isipin. Kumbaga kung ano pag-intindi mo [sa eksena], gawin mo."

8 of 10

Social Media

Hindi mapigilang tanungin ni Boy Abunda kung ano ang reaksyon ni Christian tungkol sa isang viral na komento ng isa niyang fan. Ang nasagot lang ng aktor ay, "Naawa ako sa litrato ko. Buti na lang litrato lang.” Ayon kay Christian, hindi naman niya sineseryoso ang mga nagaganap sa kaniyang social media, kaya natawa na lamang umano siya sa komento ng fan.

9 of 10

EDSA

Maliban sa nag-viral na komento, pinag-usapan din nila Tito Boy ang dating litrato ni Christian sa EDSA na naka-underwear lamang. Ang kuwento ng hunk actor, para iyon sa isang eksena ng kaniyang dating pelikula kasama si Eugene Domingo na Apat Dapat, Dapat Apat. Inamin din ni Christian, sa sobrang hiya niya sa mata ng publiko hindi niya namalayan puro sugat na ang kaniyang paa dahil sa bubog sa kalsada.

advertisement
10 of 10

Hunks

Bilang heartthrobs, hindi maiwasang ma-objectify sila ng fans. Noong tinanong ni Boy Abunda ang kanilang opinyon tungkol dito, ang sinabi ni Christian, "It's so sad kasi alam mo namang hindi ka ganun eh. Hindi naman nila naiintindihan kung ano ang nafefeel mo pero wala ka magagawa." Kaya naman para sa dalawang Kapuso stars, hindi na lang nila pinapansin masyado ang mga ganung bagay o komento galing sa fans.