advertisement
TV

Ariella Arida at Janine Tugonon, paano nabago ng Miss Universe ang kanilang buhay?

1 of 7

Beauty Queens

Walang makakakuwestiyon na sina Janine at Ariella ang ilan sa best candidates na ipinadala ng Pilipinas sa prestihiyosong Miss Universe pageant. Source:

2 of 7

Tiyang Susan

Uubra kaya ang ganda ng dalawa kapag nakatapat nila si Tiyang Susan ng 'Fast Talk With Boy Abunda'?

3 of 7

Janine Tugonon

Kahit nabigo si Janine iuwi ang titulo ng 2012, naging busy naman ito sa career niya bilang modelo sa U.S.

Ayon sa kanya, hindi naging madali ang buhay niya sa Amerika kahit itinanghal siyang first runner-up.

“I went to the US to do modeling and I stayed there for 10 years. And now I'm back. I enjoyed the US. I enjoyed all my experiences there, it was pretty tough especially starting with papers and everything. It wasn't an easy road even though I had the title of Miss Universe first runner up, it wasn't easy. But, I really loved it”

advertisement
4 of 7

Ariella  Arida

Namamangha naman si Ariella, na proud probinsiyana, sa mga dumating na opportunity matapos siyang tanghalin bilang 3rd runner-up sa Miss Universe, isang dekada na ang nakararaan. Paliwanag niya, “Siyempre galing probinsya, super simple. So before pageant talaga, I'm in the corporate world na, I'm doing chemistry stuff. So, ito talagang this industry very different. So, after winning talagang nag-turn 180 degrees. Like I met all these people, I'm just watching, all the opportunities. And hindi ako sanay talaga, I'm very probinsiyana alam mo 'yun sobrang nahihiya to meet people.”

Sinabi pa nito na sino mag-aakala na magiging host siya. Aniya, “It was such a blessing, kasi I didn't even know I get into hosting 'di ba! Ayun 'yung bina-bash sa akin.” Nagsilbing host ni Willie Revillame si Ariella sa hit game show na 'Wowowin.'

5 of 7

Boy Abunda 

Hiningi rin ni Boy ang maipapayo ng dalawang beauty queens sa mga taong gustong subukan ang beauty pageant.

6 of 7

"Don't waste time"

Para kay Janine, mahalaga sa mga kabataang gusto sumali sa beauty pageants ang mag-focus sa kanilang training. Lahad niya, “For me, don't waste time! I know a lot of young people always think, "Oh! I have so much time 'cause I'm still young. But don't waste time in training in learning about the world or experiencing life. That will help you a lot in the future.”

advertisement
7 of 7

"Self-love"   

Mensahe naman ni Ariella na importante, sa palagay niya, na pagtuunan ng isang beauty pageant hopeful ang sinasabing “self love.”

Ayon sa TV host, “Don't forget self-love, whatever you want to do, whatever like reaching out for your dreams. Especially to our mga beauty queens who want to really join. Don't forget self love pa rin and know yourself.”