EA Guzman at Shaira Diaz, binalikan ang kanilang engagement sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

Hindi napigilang maging emosyonal ni EA Guzman habang nakikipagkuwentuhan sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, February 19, kung saan kasama niya ang fiancee na si Shaira Diaz.
Ayon kay EA, hindi siya makapaniwala na kasama na niya si Shaira sa harap ni Boy Abunda dahil ilang beses na rin siyang ini-interview ng King of Talk pero hindi niya masabi ang totoo tungkol sa kanilang relasyon. Pero ngayon, masaya siya na personal na maiharap si Shaira sa batikang host at masabi na ipinagmamalaki niya ang fiancee.
Sa interview kay Boy Abunda, kapwa binalikan nina EA Guzman at Shaira Diaz ang nangyaring marriage proposal nila noong December 2021. Tingnan sa gallery na ito:







