advertisement
TV

Ai Ai Delas Alas, nakuha na ang kaniyang biggest life achievement

1 of 10

Ai Ai Delas Alas

Bago maging isang sikat na artista na nakilala bilang Comedy Concert Queen, minsan ding naging sales lady noon si Ai Ai Delas Alas at pinangarap na maging isang flight attendant.

2 of 10

Life lesson

Sa lahat ng kanyang mga naranasan sa buhay, isa sa mga naging aral na natutunan ni Ai Ai Delas Alas ay ang, “Isa lang 'to ha, hindi naman lahat. Siguro 'yung may kaaway ka lalo na 'yung ex-husband mo. 'Wag mo siyang sisiraan o aawayin sa publiko kasi darating 'yung time na kapag hindi ka na galit baka dumating na 'yung anak mo ang galit doon sa tatay nila which is hindi naman deserve ng tatay nila kasi iba naman ang treatment ng tatay doon sa mga anak kaysa sa trato niya sa'yo nu'ng kayo pa. Hindi kasi niya kasalanan and magsisisi ka e. Kapag 'yung kunwari hindi ka na galit tapos 'yung anak mo na 'yung galit tapos ayaw niyang i-acknowledge 'yung father niya, hindi maganda e.”

3 of 10

Ex-husband

Ayon kay Ai Ai Delas Alas, kahit na hindi nagpatuloy ang relasyon nila ng ex-husband na si Miguel Vera, hindi naman daw naputol ang respeto at pagmamahal ng kanyang mga anak sa kanilang ama.

Aniya, “In fairness, at least 'yung mga anak ko kahit noong araw 'yung binibuwiset-buwiset ko si Miguel [Vera] sa mga anak ko… In fairness, mahal na mahal nila 'yung papa nila. Hindi nila in-absorb. Siguro 'yung sabi lang nila, 'Loka-loka naman 'tong nanay namin,'wag na lang namin i-absorb.'”

advertisement
4 of 10

As a mother

Naging emosyonal naman si Ai Ai Delas Alas nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa kanyang pagiging ina. Kuwento ni Ai Ai, “Minsan tinatanong ko sila kung nagkulang ba ako or, Mga anak ano ba? Okay ba akong nanay? Sinasagot naman nila, 'Oo Ma. Sobra-sobra naman 'yung binibigay mo sa amin.' Parang thank you kasi minsan nagdududa ako na baka hindi ako ganun kagaling na nanay.”

5 of 10

Biological mom

Naiyak naman si Ai Ai Delas Alas nang alalahanin niya ang sandaling humingi sa kanya ng tawad ang kanyang biological mother dahil sa pagpapa-ampon sa kanya nito noon.

“'Yung biological na nanay ko, siya 'yung humingi ng tawad sa akin. Sabi niya, 'Anak, hindi naman talaga kita gustong ipamigay, kaya lang siyampre mahirap tayo.'

“Sabi ko, 'Nay, 'wag kang mag-sorry kasi 'yung pagbibigay mo ng buhay sa akin, hindi mo na kailangang mag-sorry kasi doon, thankful na ako na binigyan mo ako ng buhay. Okay na 'yun sa'kin. So hindi mo kailangan mag-sorry, kasi alam ko na mahirap lang tayo kaya kinailangan mong ipamigay ako. Okay na yun,'” umiiyak na sinabi ni Ai Ai.

6 of 10

Strong woman

Ayon kay Ai Ai Delas Alas, ang pagkakaroon niya ng dalawang ina ang naging daan upang maging matibay at malakas siya ngayon. Aniya, “I think I became a strong woman, hindi lang s strong woman but a religious and a believer of God.”

advertisement
7 of 10

Gerald Sibayan

Para kay Ai Ai Delas Alas, greatest gift niya ang pagkakaroon ng mabuting asawa na si Gerald Sibayan. “Isa 'yan sa mga so much…super gift sa akin ni God, si Gerald. Kasi siyempre ama ako [iniisip ko] bata, guwapo, star player, La Sallista, nag-piloto. So. 'di ba parang ano…kaya naniniwala ako na ang mabuting asawa, bigay ng Panginoon talaga.”

8 of 10

Great husband

Kuwento ni Ai Ai Delas Alas, si Gerald Sibayan ang provider ng kanilang pamilya habang sila ay nasa America. “Hindi nila alam na 'di ba? 'Naku si Ai Ai lang ang bubuhay diyan.' Pero hindi po. Sa America po, siya ang bumubuhay sa akin.”

9 of 10

Message 

Mensahe ni Ai Ai Delas Alas para sa mga lalaking dumaan sa kanyang buuhay, “It's your loss.”

advertisement
10 of 10

Biggest achievent

Ai Ai Delas Alas sa kanyang biggest achievement: “I think the biggest achievement na na-acquire ko sa buhay ko ay ang pagiging isang mabuting ina at asawa. Kasi 'di ba ang popularidad, nawawala 'yan, ang kasikatan, nawawala 'yan pero pag namatay ka 'yung pagiging mabuting tao mo, 'yung pagiging mabuting ina mo, mabuting asawa mo, 'yun ang [maaalala] ng tao sa'yo.”