advertisement
TV

Kaye Abad, nahirapang mag-move on sa breakup nila ni John Lloyd Cruz

1 of 12

Kaye Abad

Game na game si Kaye Abad sa pagbabalik-tanaw sa kaniyang buhay sa showbiz bago siya nagdesisyong manirahan sa Cebu kasama ang asawa na si Paul Jake Castillo.

2 of 12

'Fast Talk with Boy Abunda'

Isa sa mga pinag-usapan nina Boy Abunda at Kaye sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ay ang kaniyang buhay pag-ibig noon. Ayon kay Kaye, niligawan siya ng dalawang aktor.

3 of 12

Patrick Garcia

Isa sa mga nanligaw kay Kaye ay si Patrick Garcia. Pag-amin ni Kaye, "Niligawan ako ni Patrick, hindi natuloy."

advertisement
4 of 12

Paolo Contis

Si Paolo Contis ay isa rin sa mga nanligaw kay Kaye. Inamin ng actress na hindi siya pumayag dahil magkaibigan sila ni Paolo. "I said no, because we're friends. Crush ko siya during 'Ang TV.' 'Tapos, ang niligawan niya si Carol Banawa."

5 of 12

'A Journey'

Muling nagkasama ang tatlo sa pelikulang 'A Journey.' Kuwento ni Kaye, maganda ang naging reunion movie, "Walang nagkailangan, walang nangapa."

6 of 12

Housewife

Inilahad ni Kaye sa 'Fast Talk with Boy Abunda' na, "I'm a housewife and I love it."

advertisement
7 of 12

Bodyguard

Binigyang-linaw ni Kaye ang totoong nangyari sa kumalat na video sa TikTok, kung saan sinabing may anim na bodyguard daw siya sa isang grocery sa Cebu. Ani Kaye, "It's not true."

8 of 12

Wealth

Inamin ni Kaye na kuripot siya at inilahad niya na pati ang pamilya ni Paul Jake ay may simple lang na pamumuhay sa Cebu, "His family is very simple. Hindi sila yung lavish life.

9 of 12

Showbiz

Itinanong ni Boy, "Did he [Paul Jake] ask you to leave showbusiness?" Sagot naman ni Kaye, "No. Actually I did not leave. Kasi kung umalis ako, wala na ako dito ngayon. Hindi ako magpepelikula."

advertisement
10 of 12

Exes

Binalikan nina Boy at Kaye ang kaniyang dating history at naungkat ang dating relasyon nina Kaye at Chito Miranda. Tanong ni Boy, "Hindi nagseselos si Paul Jake?" at sagot naman ni Kaye ay hindi.

11 of 12

Friends

Ayon pa Kaye Abad, naging maayos ang breakup nila ng kaniyang mga ex.

12 of 12

John Lloyd Cruz

Isa lamang daw ang ex-boyfriend na nahirapang mag-move on si Kaye at ito ay si John Lloyd Cruz. Ayon kay Kaye, ito ay dahil magka-loveteam pa rin sila nang nagdesisyon silang tuldukan ang kanilang relasyon.

advertisement