advertisement
TV

Rachel Alejandro talks about falling in love, heartbreaks

1 of 10

Heartbreak and falling in love

Para kay Rachel, ang heartbreak at pagiging in love ay "so similar" sa isa't isa.

2 of 10

Uncertainty

Paliwanag ni Rachel, parehong may kaba ang pagiging in love at pagkakaroon ng heartbreak, "Hindi mo alam kung mahal ka ba o hindi."

3 of 10

Pain and anguish

Dagdag pa ni Rachel, dahil hindi sigurado sa nararamdaman ng taong gusto, inilarawan niya ang pagiging broken hearted: "That's difficult, that's pain, in a way. That's anguish."

advertisement
4 of 10

Dealing with the pain

Ayon kay Rachel, ang tatay niyang si Haji Alejandro, na isang OPM icon, ang nagsabi sa kaniya kung paano haharapin ang sakit na dulot ng heartbreak. Pag-alala niya, "Sabi niya, 'I've suffered the worst heartbreaks.'"

5 of 10

I've been there, been that

Para sa ama ni Rachel na si Haji, sinusunod niya ang "I've been there, been that" mentallity. Patuloy na paglalahad ng una, "Nothing can hurt him anymore, 'yan ang lagi niyang sinasabi."

6 of 10

Losing someone you love

Pag-alala pa ni Rachel sa sinabi ng kaniyang ama, "'I've been at my worst," sabi niya. "Nawala sa 'kin ang taong pinakamahal ko sa buhay and I lived.'"

advertisement
7 of 10

Kaya na pala

Aminado rin si Rachel na naranasan rin niya ang naranasan ng ama. Dito, ibinahagi niya ang natutunan niya mula sa sarili niyang experience, "So now we know, parang later on, na 'A, kaya ko pala.'"

8 of 10

Moving on

Samantala, tinanong ni Boy Abunda kung kanino sa mga ex-boyfriend niya pinakanahirapan si Rachel mag-move on. Ang sagot ng singer, "My second boyfriend, kay Lee Robin Salazar, I think. 'Yun siguro 'yung naging pinaka-difficult para sa akin."

9 of 10

Dingdong Avanzado

Nabanggit ni Rachel na naging mahirap din para sa kaniya mag-move on sa naging relationship nila ng kapwa singer na si Dingdong Avanzado.

advertisement
10 of 10

Length of time

Nang tanungin siya kung bakit naging mas mahirap mag-move on mula kay Lee, ang sagot ni Rachel, "The length of time, and maybe the intensity of it."