advertisement
TV

Jugs at Teddy, ibinahagi ang buhay rakista, artista, at asawa

1 of 10

Transition 

Ibinahagi ng Itchyworms frontman na si Jugs Jugueta na naging challenge sa kaniya ang pagiging host sa 'It's Showtime' dahil sa kaniyang background bilang musikero. Kabaligtaran naman ito ng dinanas ng kaniyang partner na si Teddy, na siya namang may training sa harap ng kamera at pag-arte bago pa maging bahagi ng bandang Rocksteeddy.

2 of 10

Adjustments

Bukod sa kanilang magkaibang backgrounds, sinabi nina Jugs at Teddy na nahirapan din silang mag-adjust sa buhay artista mula sa buhay banda,na madalas ay nagsisimula at natatapos nang late.

3 of 10

Suweldo ng musikero

Sa usapang suweldo, ibinahagi ng rock duo na kasabay ng pagkilala sa isang kanta ay ang pagtaas ng kanilang pera at suweldo, na kailangan pa ring hatiin nang maayos sa kanilang mga kabanda.

advertisement
4 of 10

Rakista's reputation

Taliwas sa karaniwang pagkakakilanlan ng fans sa mga rakista--na babaero, mabisyo, at mayabang--sina Jugs at Teddy ay nananatiling loyal sa kanilang mga asawa. Kahit sa kanilang mga kabanda, matibay rin ang relasyon sa kanilang partners.

5 of 10

Influence of media 

Ayon sa pananaw ng Rocksteddy singer na si Teddy Corpus, malaki ang impluwensiya ng media sa paningin ng mga tao sa mga rakista, na babaero, mabisyo, at mayabang.

6 of 10

Faith in God

Proud si Teddy Corpus nang kaniyang banggitin ang kaniyang matatag na paniniwala sa Panginoon. Ibinahagi pa nito na ipinagdasal niya ang kaniyang mother-in-law na noon ay pinaratangan siya ng mga stereotypes ng isang rakista. Aniya, hindi naman na niya makokontrol ang isip nito at ipagtitiwala na lang sa Diyos.

advertisement
7 of 10

Humble beginnings

Bilang isang bandang nagsimula noong kolehiyo, sinabi ni Jugs na ang tanging goal lamang nila noon ay makapag-perform sa freshment orientations sa kanilang eskuwelahan bago maging tanyag na banda sa loob ng higit 28 na taon.

8 of 10

Rocksteddy as the ultimate rockstars

Nagbahagi si Teddy ng isang funny encounter ng kanilang banda noon sa It's Showtime host na si Vice Ganda. Ikinuwento raw sa kaniya ng co-host na dati nang iniwasan ni Vice Ganda ang Rocksteddy sa airport dahil sa itsura at astig na tindig ng mga miyembro nito.

9 of 10

GMA

Muling ipinaabot ng rock duo ang kanilang lubos na pasasalamat sa GMA Network sa kanilang pagpapatuloy ng It's Showtime sa kanilang tahanan. Nagsimulang umere ang hit noontime variety show sa GMA noong ika-6 ng Abril.

advertisement
10 of 10

It's Showtime

Kasama sina Jugs at Teddy sa OG hosts ng It's Showtime nang unang umere ito noon 2014. Ngunit kinalaunan ay nagkaroon ng usap-usapang tatanggalin na sila bilang hosts. Gayunman, patuloy silang “kumapit sa patalim” at regular pa ring mapapanoond sa hit noontime variety show mula Lunes hanggang Sabado tuwing tanghali sa GMA, GTV, at Kapuso Stream.