advertisement
TV

Dingdong Dantes, sumabak sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

1 of 12

Contract Signing

Hindi mapigilang ibahagi ni Dingdong ang kaniyang kasiyahan matapos muling pumirma ng kontrata sa GMA Network ngayong Huwebes, May 9. Aniya, “Napakasaya ko [sa contract signing]; napakasaya ng puso ko dahil finally ay magkakaroon na ng bagong chapter 'yung aking professional at personal career.”

2 of 12

Personal life

Nilinaw ni Dingdong na kasama niya ang GMA Network sa kaniyang personal career dahil naging bahagi na ang mga ito ng kaniyang buhay sa loob ng 26 na taon.

3 of 12

Proud Kapuso

All-smiles naman si Dingdong nang kaniyang sinabi na siya ay Proud Kapuso dahil sa GMA Network niya nakilala ang kaniyang asawa na si Marian Rivera.

advertisement
4 of 12

Humble beginnings

Muling binalikan ni Dingdong ang kaniyang humble beginnings sa GMA Network, at taos-pusong nagpasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kaniya 26 na taon na ang nakalipas na siyang nag-udyok sa kaniya na patuloy mahalin ang career bilang artista.

5 of 12

"Gaps"

“Gaps” kung tawagin ni Dingdong ang mga pagsubok na kinaharap noong nagsisimula pa lamang ang kaniyang karera na sa tingin niya ay mahalaga dahil ito ang sumubok sa kaniya na lalong mag-improve bilang artist.

6 of 12

Quitting

Ayon kay Dingdong ay dumating din siya sa puntong nabanggit ang mga katagang “ayoko na,” pero laking pasasalamat nito na siya ay nagpatuloy dahil ito ang dahilan kung bakit nagagawa niya ngayon ang mga pangarap lamang niya noon.

advertisement
7 of 12

Kapuso Primetime King

Sa kabila ng kaniyang pagiging Kapuso Primetime King, sinabi ni Dingdong na hindi niya nakikita ang sarili bilang nasa “itaas” dahil mahalagang matutuhan na hindi natatapos ang pag-improve sa kaniyang craft bilang artist.

8 of 12

Dream role

Nang tanungin ni Boy Abunda tungkol sa kaniyang dream role, sinabi ni Dingdong na nais niyang makagawa ng biopic.

9 of 12

360 degree

Proud na sinabi ni Dingdong na nagbago ang kaniyang mundo nang 360 degree magmula nang magpakasal kay Marian Rivera at maging ama kina Zia at Sixto. Aniya ay palagi na niyang sinasama ang mga ito sa anumang desisyon sa buhay.

advertisement
10 of 12

Marian Rivera

Bilang mag-asawa, sinabi ni Dingdong na mahalaga para sa kanila ni Marian na magkaroon ng oras para sa kanila sa kabila ng sunod-sunod na mga projects at success. Dagdag pa nito na patuloy ang pagbigay niya ng efforts upang panatilihin ang saya sa kanilang relasyon.

11 of 12

Sundalo

Kung hindi raw naging artista ay nais sanang maging sundalo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

12 of 12

Lindsay De Vera

Tinuldukan na ni Dingdong Dantes ang mga espekulasyon tungkol sa kanila ng Filipina actress ni Lindsay De Vera, tulad ng pagkakaroon nila diumano ng anak.

advertisement