Enzo Pineda, nagpakilig sa kanyang practice proposal kay Michelle Vito

Pinatunayan ng celebrity couple na sina Enzo Pineda at Michelle Vito na love is everywhere sa kanilang masaya at nakakakilig na kuwentuhan kasama ang King of Talk na si Boy Abunda ngayong Biyernes, June 21, sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bukod sa kanilang dedication sa kani-kaniyang continuously growing careers ay hands-on din ang dalawa sa pagpapanatili ng fun at kilig sa kanilang relationship.
Pero tulad ng iba ay sinabi rin nina Enzo at Michelle na hindi perpekto ang kanilang relasyon. Ngunit sa kabila nito ay hindi naman nawala ang kanilang plano para sa kanilang future 5-10 years from now.
Balikan sa gallery na ito ang 10-year-plan nila Enzo at Michelle:









