Maria Ozawa, lumayas noon sa kanilang bahay dahil sa pagiging sexy star

Isa sa mga pinusuan ng Kapuso viewers sa GMA family drama series na Pulang Araw ay ang maganda at talented Japanese actress na si Maria Ozawa. Sa seryeng ito, ginampanan niya ang karakter na si Haruka Tanaka, ang ina ni Hiroshi Tanaka na binibigyang-buhay ni David Licauco.
Ngunit hindi lang sa pagiging isang inang karakter kilala si Maria. Dati rin siyang naging sexy movie actress, kung saan bumida siya sa ilang adult films na hinangaan ng fans. Pero noong sumikat na siya sa industriya, pinili ni Maria na umalis at subukan ang iba pang projects sa showbiz.
Sa kaniyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules (August 21), ipinasilip ni Maria ang kaniyang buhay sa likod ng kamera at mas ipinaliwanag ang kaniyang mga kuwento tungkol sa karera at ang kaniyang dating relasyon.
Balikan ang kaniyang panayam sa gallery na ito:









