
Viral ngayon sa social media ang video ni David Licauco nang mag-guest siya sa Kapuso weekday game show na Family Feud noong Lunes, January 8.
Sa naturang video, ikinatuwa ng netizens ang naging sagot ni David sa survey question ni Dingdong Dantes na, “Fill in the blank, Maria…”
“Ozawa,” mabilis na sinabi ni David.
Si Maria Ozawa ay isang businesswoman at Japanese actress na nakilala noon sa kanyang adult films.
Agad naman nag-trending online ang video ng sagot na ito ni David. Sa katunayan, umabot na sa halos 2 million views ang kanyang video sa TikTok.
@familyfeudph 'Di ka nag-iisa, @davidlicauco. Naisip rin namin 'yan! 🤭 #fyp #familyfeudph #BarDa #viral #trending #mariaozawaa ♬ original sound - Family Feud Philippines
Hanggang sa nakaabot na nga ang video na ito ni David kay Maria Ozawa. Sa kanyang Instagram story, agad na ni-repost ni Maria Ozawa ang video ni David na tila kinilig pa sa aktor.
“He's so cute [laughing and heart emojis].”
Samantala, nakalaban naman ni David sa naturang episode ng Family Feud ang kanyang ka-love team na si Barbie Forteza na tawang-tawa rin sa kanyang naging sagot na “Maria Ozawa.”
Sa huli, ang team ni David pa rin ang nanalo at nakapag-uwi ng PhP200,000 jackpot prize mula sa game show.
Sina Barbie at David ay naghahanda na rin sa kanilang bagong serye na Pulang Araw kung saan makakasama nila ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Sanya Lopez.
RELATED GALLERY: David Licauco shows off abs in new set of photos