Lovely Abella at Benj Manalo, ibinulgar ang kinikita nila mula sa live selling

Muntik na ba kayong mapa-"mine" sa galing sa live selling ng celebrity couple at entrepreneurs na sina Lovely Abella at Benj Manalo sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ngayong Biyernes, August 23.
Sa chikahan nila with the King of Talk, umamin sila na kaya nilang kumikita ng milyon-milyon sa isang buwan. Nag-umpisa raw ang negosyo na ito noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Lahad pa ni Benj na "advantage" sa kanila ang pagiging artista kaya napapabili ang kanilang mga viewers online.
Paliwanag ng mister ni Lovely, “To be honest Tito Boy magandang tanong yan, kasi talaga nagkakaroon kami ng magandang credentials dun sa mga audience namin. Kumbaga alam nila na hindi sila maii-scam. Kumbaga alam nila, okay pagkakatiwalaan ko sila. Kilala ko 'to familiar 'to, familiar sila. So 'yung unang trust kaagad na ibibigay nila is 100 percent.”
Pero, isang pangyayari raw ang bumago sa kanilang buhay bilang mga negosyante. Ano kaya ito?
Alamin sa gallery sa ibaba:
Get to know the latest update on your favorite showbiz personality together with 'The King of Talk' Boy Abunda in 'Fast Talk with Boy Abunda,' weekdays at 4:00 p.m. on GMA Afternoon Prime. #FastTalkwithBoyAbunda






