
Tila hindi raw nakahanap ng kakampi si coach Stell sa pagdating ni Pablo, leader ng SB19, bilang bagong coach ng The Voice Kids Philippines.
Biro ni Stell sa interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras, mas tumindi raw ang kulit sa kanilang coaches dahil kay Pablo.
"Parang dumagdag po 'yung mang-aasar sa akin," sabi ni Stell.
"Parang hindi po ako nakahanap ng kakampi. Nakahanap po ako ng bagong mang-aaway sa akin. Tatlo na po silang magkakampi ngayon," dagdag na biro ng SB19 member.
Habang hindi pa nagsisimula ang The Voice Kids Philippines, abala si Stell sa kanyang solo debut EP na Room, na inilabas na noong August 2.
Bukod dito, kasama si Stell sa concert series ng Warner Music Philippines na "We Play Here" school tour, na nagsimula na noong Biyernes, August 23, sa UP Diliman College of Science Amphitheater.
Sa school tour, ipinerform ni Stell ang kantang "'Di Ko Masabi" mula sa kanyang EP.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NINA STELL AT NOUR HOOSHMAND MULA SA 'DI KO MASABI MV SHOOT DITO: