Rufa Mae Quinto, nilinaw na walang nag-file ng divorce sa kanila ni Trevor Magallanes

GMA Logo fghjkl
PHOTO SOURCE: rufamaequinto (IG)

Photo Inside Page


Photos

fghjkl



Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na wala pang nagpa-file ng divorce sa kanila ni Trevor Magallanes sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, January 17.

Ayon kay Rufa Mae, tinatanggap niya na may problema sila ni Trevor at hinihintay lang din niya na "maklaro, mag-usap" sila.

"Bilang asawa syempre inaantay ko lang na maklaro kami, mag-usap pa rin kung totoo ba talaga 'yan ang nararamdaman n'ya kasi lagi nga rin kasi akong wala e, so baka naman pwedeng lambingan na muna, makiusap, pasensya na," kuwento ni Rufa Mae sa King of Talk na si Boy Abunda.

Pagpapatuloy ng aktres, "Kasi syempre pagod ako, lagi akong wala, in short. Syempre, there's always two sides of the story, pero naiintindihan ko rin na hindi naman, syempre, puro lang ako ang tama. Siyempre, siya rin naman may reason din. Pero we're going through something.

"Kasi kung ayaw na rin naman n'ya bakit ko hindi rerespetuhin 'yon? Pero 'yung legalities sa mga file-file, walang nag-file ng divorce. So, hindi ako magpa-file kasi ang dami nang nag-file, nag-file na rin ako, so ang daming file.

"Ayoko munang mag-file sa mga divorce-divorce. Dito rin naman kasi kami kinasal sa [Pilipinas], so hindi ko alam kung anong gagawin, masyadong masakit pa."

Ikinuwento rin ni Rufa ang tanong sa kanya ng anak na si Athena, 'When our family will be together,' na aniya ang hirap sagutin.

Sinabi rin ni Rufa Mae na mabuting ama si Trevor sa kanilang anak at mabuti rin itong asawa. Pero, aniya, "Kaya lang hindi siya artista, e. Naapektuhan din. Kaya ayaw niyang pinag-uusapan, very private kasi."

Nang tanungin ng host na si Boy kung mahal niya pa ba si Trevor, deretsahang sagot ni Rufa Mae, "Oo naman mahal ko siya, siyempre, at saka gusto ko, siyempre, makumpleto ang pamilya namin."

Tinanong din ng King of Talk si Rufa Mae kung gusto pa ba nito na magkabalikan sila ni Trevor. Sagot ng aktres, "Ako kasi kung ayaw na rerespetuhin ko 'yon kahit na masakit sa akin. Siyempre, 'di ba bakit ko pipilitin ang isang tao kung 'yon 'yung nararamdaman n'ya?"

Dagdag pa niya, "Hangga't nga walang nagpa-file, waiting lang. Kumbaga hindi mo tinatapos kasi para rin sa anak namin 'yon. Saka wala naman kaming matinding pinag-awayan. Ako gusto ko pa siya, 'di ba?"

Balikan ang mga naganap sa relasyon nina Rufa Mae at Trevor dito:


Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes
Engaged
Wedding
Birth of Athena
Married life
Celebration
Events
Amerika
Work
Showbiz
Scam issue
Posts
Rumors
Divorce

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes