Kris Bernal on acting after two-year break: 'Akala ko 'di na 'ko marunong umarte'

GMA Logo kris bernal

Photo Inside Page


Photos

kris bernal



"Feel ko, ready na ako."

Iyan ang pahayag ni Kris Bernal sa guest appearance niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, March 10, tungkol sa kanyang acting comeback. May dalawang taon tumigil sa pag-arte ang aktres nang manganak sa first baby nila ng asawa niyang si Perry Choi na si Hailee Lucca noong August 2023.

Aniya, "For 18 years, I dedicated my life to showbiz and then akala ko 'di na 'ko makakabalik pero very thankful ako na hanggang ngayon kino-consider pa rin nila ako, may naniniwala pa rin."

Matapos ang two-year hiatus, nag-guest si Kris sa Tadhana para sa tatlong episode nito. Mapapanood ang aktres sa dalawa pang episode ng weekly drama anthology sa March 15 at March 22.

Ayon kay Kris, nag-alala siya noong una dahil pakiramdam niya ay hindi na niya kaya ulit umarte. "Akala ko 'di na 'ko marunong umarte, 'yun ang takot ko. Ayoko tanggapin at first kasi sabi ko, 'Shocks, marunong pa ba ako umarte?' Tapos syempre 'pag bumalik ako parang feeling ko mas mataas 'yung expectation ng mga tao na dapat magaling ka pa rin umarte."

Dagdag pa ng 35-year-old actress, kinailangan niya bumwelo bago tanggapin ang TV project.

Sabi niya, "Siguro kailangan ko ng refreshment, syempre may strategies ako sa acting. Ang ginawa ko, I asked for the script ahead of time para mapag-aralan ko na. Nag-prepare talaga ako and napansin ko naman, ando'n pa rin e. Parang nasa katawan ko na siya e kasi ever since, Tito Boy, gusto ko na mag-artista."

Biro niyang dugtong, "Nasa tiyan pa lang siguro ako ng nanay ko, umaarte na ko."

Binuhos ni Kris ang kanyang sarili sa pagiging ina kaya natagalan siya bago nakabalik sa showbiz.

Ika niya, "Do'n sa isang taon, talagang dine-dedicate ko 'yung sarili ko sa baby ko, talagang binigay ko 'yung buo ko. Sa ngayon, parang gusto ko rin naman bigyan 'yung sarili ko."

Hanggang ngayon ay breastfeeding pa rin si Kris. Kung kailangan siya ng isang taong gulang niyang anak, hindi isyu kung titigil muli siya sa pag-arte dahil prayoridad pa rin niya ito.

Ani Kris, "Okay lang ako, wala sa akin 'yun. Kung kailangan kong i-sacrifice 'yung sarili ko for breastfeeding, sige. Pero at least ngayon, somehow I can say na nakabalik na ako. Kumbaga parang I'm back to my old self."


Kris Bernal
Tadhana
Artikulo 247
Drama actress
Aljur Abrenica
StarStruck

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ