Rhian Ramos, sa mga naging pagsubok sa showbiz: 'I really wanted to give up'

GMA Logo Rhian Ramos on FTWBA
SOURCE: Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Rhian Ramos on FTWBA



Naging emosyonal si Rhian Ramos nang makakuwentuhan niya si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 31.

Ilan lamang sa kanilang mga napagkuwentuhan ay ang highlights at mga pagsubok sa karera ni Rhian, lalo na noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz.

Ani Rhian, “I was young, so I was really affected. I felt so alone, and I really wanted to give up.”

Ito rin umano ang isa sa mga dahilan ng kaniyang “self-hate” noon at ilang mgapagkakataon na nais niya nang sumuko.

Kuwento ng aktres, “There were two years of my life na parang when I say I wanted to give up, I'm not talking about showbiz; I'm talking about, you know, life as I knew it.”

Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanan ay sinabi ni Rhian na nadiskubre niya ang tunay na sarili, na malaking kaibahan umano sa kaniyang pag-iisip noon.

“In earlier years of my life, na-fi-feel ko, minsan, 'yung parang hindi ko gusto 'yung sarili ko, hindi ko mahal 'yung sarili ko, [at] 'yung lagi kong iniisip,'Bakit ako ganoon? I'm so unlikeable.' Ang dami kong self-hate,” kuwento ni Rhian.

Dagdag pa niya, "Na-let go ko na lahat 'yun. I think I've dealt with so many of my traumas and my issues already na whoever I am now, I love myself, I support myself, [and] I'm proud of myself.”

Bukod sa namamayagpag na karera ay nasa magandang estado rin ang love life ni Rhian Ramos ngayon, “I can see myself really taking care of this partnership and doing life with this person.”

Balikan ang makabuluhan at emosyonal na pag-uusap nina Rhian at Tito Boy sa gallery na ito:


Best year
Self love
Highlights
Lowest point
Never give up
Healing 
Turning point
Young Rhian
Sinagtala
Dream come true 
Marriage
Change
Relationship
Lifetime
Future Self

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE