Mga anak ni Nora Aunor, emosyonal sa pag-alala sa Superstar

Hindi napigilang maging emosyonal nina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon habang inaalala ang kanilang mahal na ina, ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Sa huling araw ng burol, bumisita at nakapanayam sila ng King of Talk na si Boy Abunda upang balikan ang kanilang mga kwento at pagmamahal para sa kanilang nanay.
Madamdamin ang naging usapan nang isa-isa nilang ibinahagi ang kanilang pasasalamat, mga alaala, at mga pagsisisi noong buhay pa ang beteranang aktres.
“Kung hihingi ng patawad, siguro po dahil 'yung mga huling oras niya, wala kami du'n. Sana nandu'n kami, yakap namin siya, nakausap, nasabi 'yung mga gustong sabihin. Ito na po ngayon e, we just need to accept,” pahayag ni Kenneth.
Binalikan din nila ang mga aral na iniwan sa kanila ng kanilang ina na habambuhay nilang babaunin.
Tingnan ang madamdaming panayam nina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon tungkol sa kanilang ina, Superstar Nora Aunor, dito.











