TJ Monterde, umaming maraming fans na umaaligid sa kanya

GMA Logo tj monterde in fast talk with boy abunda

Photo Inside Page


Photos

tj monterde in fast talk with boy abunda



Sa kanyang awra at magandang boses, talaga namang marami ang na-i-in love sa in-demand singer-songwriter na si TJ Monterde.

Kahit pa kasal na sa kapwa niya mang-aawit na si KZ Tandingan, inamin ng "Palagi" hitmaker na mayroon pa ring umaaligid-aligid sa kanya.

Pagbunyag niya, "May mga nagnanakaw ng halik, humahawak ng pwet, mga gano'n, pero may iba na may magtu-tweet o magme-message na puntahan ka namin sa hotel."

Flattered naman si TJ sa paghanga ng kanyang fans pero, aniya, hindi siya ang tipo na gagamitin ang kanyang kasikatan para sa sarili niyang kapakanan.

Paliwanag ng mahusay na singer, "Paniniwala ko kasi, tingin ko, sayang 'yung pinaghirapan ko kung gagawin ko 'yung mga gano'n. 'Di lang talaga ako that type of person."

Dagdag pa ni TJ, malinaw sa kanya ang boundaries na sinet niya sa pagitan niya at ng kanyang mga tagahanga. Sabi niya, "I feel like they admired me because of the music so okay na yun, hanggang do'n lang tayo."


Friends
Engagement
Wedding
Renewal of vows
Parents
Projects
Travel

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve