New Gen Sang'gres, nagsimula nang magbago ang buhay at karera dahil sa 'Encantadia'

Nagsimula na kagabi ang na ang pinakaaabangang telefantasya ng GMA Prime, ang 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.' Bumibida rito sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali, ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante.
Sa pagbisita ng bagong henerasyon ng Sang'gre sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' binalikan ni King of Talk Boy Abunda kung papaano mas gumanda umano ang mga karera ng mga nagdaang bida ng 'Encantandia,' na sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla.
Kaya naman, tanong ng batikang host sa mga bagong sang'gre, “Ano ang mga pangarap n'yo na sana with 'Encantadia'... ano ang magiging epekto nito sa inyong karera?”
Tingnan ang mga sagot nina Faith, Angel, Kelvin at Bianca sa gallery na ito:











