
Mabilis ang naging tugon ng Kapuso young comedian na si Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda kung pakakasalan ba nito ang vlogger-actress na si Jelai Andres.
Bukod sa newlyweds na sina Glaiza De Castro at David Rainey, isa pa sa naging guests ni Boy Abunda sa nasabing programa ngayong Martes, January 24, ay si Buboy kung saan sumalang din siya sa segment na “Fast Talk.”
Isa sa naging katanungan ni Boy para kay Buboy ay tungkol sa kaibigan niya na si Jelai.
“Pupunta ka sa impiyerno kung hindi ka magsasabi ng totoo. Yes or No? Girlfriend mo na ba si Jelai Andres?,” tanong ni Boy.
“No,” mabilis naman na sagot ni Buboy.
Pero tila hindi kumbinsido ang batikang TV host sa sagot ng celebrity dad, kung kaya't bago matapos ang episode ng programa ay muli itong nagtanong.
“Halimbawa lamang sa araw na ito, January 24, kung magpapakasal ka sa isang babae, alam ko wala pa kayo ni Jelai, pakakasalan mo ba si Jelai? Oo o hindi?,” mabilis na tanong ni Boy kay Buboy.
“Opo,” tugon naman nito.
Agad naman napangiti si Boy at mismong si Buboy sa kanyang naging sagot.
Isa sa mga malapit na kaibigan ni Buboy sa showbiz ay si Jelai. Una silang nagkatrabaho sa seryeng One of the Baes at mula sa pagiging parte ng isang love triangle, naging magkapatid naman ang kanilang roles sa seryeng Owe My Love.
Itinuloy naman nina Buboy ang kanilang kulitan ni Jelai sa kanilang YouTube vlogs kung saan napansin ng kanilang mga manonood ang kanilang chemistry.
Samantala, patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA BUBOY AT JELAI SA GALLERY NA ITO