TV

Dina Bonnevie kinumpirma ang naging sagutan nila ni Alex Gonzaga

By Jimboy Napoles

Diretsahang sinagot ng batikang aktres na si Dina Bonnevie sa Fast Talk with Boy Abunda na talagang ang TV host na si Alex Gonzaga ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga nagdaang interview tungkol sa isang artistang mahirap makatrabaho.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang panayam ni Dina sa isang press conference taong 2018 tungkol sa kanyang naging co-actor na kanyang napagsabihan dahil sa bad work habit nito.

Sa kanyang panayam, agad na tinanong ni Boy Abunda kung si Alex nga ba ang tinutukoy ni Dina sa nasabing press con.

“Lahat ba ng statements, mga declaration, na iyong ginawa in the past and I was talking about the press conference and many others. Ang tinutukoy mo ba dito, yes or no, ay si Alex Gonzaga?” tanong ni Boy kay Dina.

Agad naman na sumagot ang batikang aktres, “Yes, it was Alex Gonzaga.”

Dito naman nakakuha ng pagkakataon si Dina na ilahad ang nangyaring sagutan nila ni Alex noon.

Kuwento ni Dina, “That happened 12 years ago. We were doing a teleserye then, and it didn't come naman without reason, I mean we were working together, kaya lang kasi it didn't only happen once, it happened twice, thrice so, hindi lang naman ako, there were other co-workers who were also getting err about working habit niya or you know the way she was working with us so napag-usapan na ako ang spokesperson.

“So, hindi rin totoo na [sinigawan ko siya] mula ulo hanggang paa kasi 'yung setting namin sa may simbahan sa Antipolo.. There was a chapel there and then parang may rotonda dito so that morning late na naman siya, so nagpipigil na kami non.”

“Hanggang sa lunch break umalis na naman siya, pagbalik niya, basa 'yung buhok, walang makeup so we have to wait na naman for another three hours bago makapag-take, e, siyempre kumukulo na 'yung dugo ng lahat,” patuloy ni Dina.

Habang nasa taping noon ng kanilang ginagawang teleserye, dito na kinausap ni Dina si Alex.

“Ako naman sabi ko, kasi may eksena siya dapat iiyak siya, e, parang mommy niya ako non, hindi siya makaiyak, o, sabi ko, 'Alex you know why you cannot cry because you are not in touch with your emotions, you're very indifferent to your co-workers, you know honestly I want to talk to you kasi we don't like what you're doing, that you're always late.”

Sumagot daw si Alex dito at sinabing, “E, marami akong ganap e, ganyan ganyan, sabi ko, 'Wait a minute I'm trying to talk to you nice.'”

“'E, hindi e, kasi hindi niyo nakikita 'yung side ko.' Tapos sabi ko, hindi pa pinapanganak ang babastos sa akin Alex please kinakausap kita nang maayos,” ani Dina.

Inilahad din ni Dina na hindi niya pinagalitan si Alex bagkus ay kinausap niya ito nang masinsinan dahil gusto niyang maiayos ang work attitude ng celebrity vlogger.

“If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attitude mo na palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set and you know you cannot even memorize your lines, hindi ka makaiyak," sabi ni Dina kay Alex.

“I'm not talking to you like this because I want to put you down. I want you to succeed in your career, I want you to be great.”

Ibinahagi rin ni Dina na naging maayos naman sa huli ang pag-uusap nila ni Alex at kinailangan lamang nilang ilabas ang kanilang mga saloobin sa isa't isa.

“So you parted okay?” tanong ni Boy.

“Okay kami. Wala ang ending nag-iyakan kami and then okay na so kumbaga naiyak na din ako kasi nagsalita ako because I had to spill my heart out kasi pagod na rin ako,” paglalahad pa ni Dina.

Ilang taon matapos ang naging sagutan nila ni Alex, hindi naman inakala ni Dina na muling pag-uusapan ang kanyang naging pahayag sa isang press conference.

Aniya, “Nagkataon lang na 'yung press con may nagtanong sa akin na, 'Meron na bang artista na nag-prima donna sa'yo? Sabi ko, 'Oo marami. And then sinabing, totoo ba yun nakagalitan mo si Alex Gonzaga?"

“Hindi ko naman alam na ilalabas 'yun for so long na paulit-ulit na ilalagay sa social media.”

Matatandaan naman na naging trending din ang isang topic sa podcast ni Alex kamakailan tungkol sa isang artistang tinawag niyang “matanda” na pinagalitan umano siya sa set ng isang programa. Mabilis naman na inugnay ng netizens ang nasabing artista kay Dina.

Sa panayam ni Dina kay Boy ay nagbigay na rin siya ng sagot tungkol dito. Aniya, “Hindi ako na-offend na tinawag akong matanda. It's true, matanda na ako. I'm 61. But I'd like to see people at 61 if they're still looking fresh. Sorry, but I feel fresh. Hindi ako na-offend dun.”

Paglilinaw pa ng batikang aktres na maayos ang relasyon niya kay Alex pero aminado rin siyang nakaramdam siya ng inis sa ilang mga bagay na nasabi sa kanya.

Paglalahad ni Dina, “Okay kami kaya ako nagulat dun sa 'matandang artista.' 'I was painted as the bad guy.' For me, doon ako nainis. Painting you as the bad guy is inventing stories to make you look bad. I wasn't inventing stories. But that's past. Nagbago naman s'ya bago natapos ang taping. Hindi ako galit sa kanya.”

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

LOOK: DINA BONNEVIE AND HER AGELESS BEAUTY