GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez sa kaniyang future relationship: 'Kailangang 'di na tayo naglalaro'

By Jimboy Napoles
Published February 17, 2023 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Sa kabila ng pagiging NBSB (no boyfriend since birth), hiling ni Sanya Lopez ngayong love month: 'Lord, ibigay n'yo na sa akin iyong karapat-dapat para sa akin.'

Excited na sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, February 17, ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na first time umupo sa isang interview kasama ang batikang host na si Boy Abunda.

Bukod sa kaniyang makulay na humble beginnings at showbiz journey, napag-usapan din nina Sanya at Boy ang love life ng aktres. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ay no boyfriend since birth o NBSB si Sanya.

Kaya naman tanong ni Boy kay Sanya, “Kung mayroon kang hihilingin kay Lord ngayon, love month e… anong hihilingin mo na may kinalaman sa pag-ibig?”

Napangiti naman ang aktres sa katanungan ng King of Talk.

Ayon kay Sanya, tanging hiling niya ngayong love month, “Lord, ibigay n'yo na sa akin iyong karapat-dapat para sa akin.”

Dagdag pa niya, “Hindi ako nagmamadali pero alam kong ibibigay n'yo sa akin sa tamang panahon. Kailangan seryoso na iyong tao sa akin, kailangang 'di na tayo naglalaro.”

Samantala, bago naman matapos ang buwan ng pag-ibig, muli namang mapapanood si Sanya sa primetime sa kaniyang bagong serye na Mga Lihim ni Urduja kung saan makakasama ang kaniyang mga co-lead stars sa Encantadia noong 2016 na sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: