GMA Logo Nora Aunor, Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Nora Aunor, binalikan ang kabaliwan niya sa pag-ibig at nakaraan kay Tirso Cruz III

By Jimboy Napoles
Published February 20, 2023 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor, Fast Talk with Boy Abunda


Inamin ni Nora Aunor na minsan na rin siyang nabaliw sa pag-ibig kahit pa “one way” lang ang kanilang naging relasyon.

Muling binalikan ni Superstar Nora Aunor sa Fast Talk with Boy Abunda ang naging kabaliwan niya sa pag-ibig noon at ang nakaraan nila ng Maria Clara at Ibarra actor na si Tirso Cruz III.

Sa paghaharap ni Nora at ng King of Talk na si Boy Abunda, ikinuwento ni Nora na minsan na rin siyang nabaliw sa pag-ibig lalo na sa kanyang on screen partner noon na si Tirso o kilala din noon sa palayaw na Pip.

Kuwento ni Nora, “Kapag nag-aaway kami [ni Tirso Cruz III] ay iinom ako noon. Tapos pupunta ako doon sa bahay niya, hindi ako papapasukin, patatahulan ako doon sa aso pero hanggang magdamag 'yon, nandoon ako sa labas. Tapos makikita ko na lang ang mga fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausdos ako doon sa loob ng sasakyan.”

Ayon pa sa award-winning actress, tanggap niya naman na tila “one way” lamang ang naging relasyon nila noon ni Tirso, na niya pa pinangalanan noong una pero nang usisain ni Boy ay napaamin din.

Aniya, “Si Pip 'yon e, ayun lang naman talaga 'yung talagang ano -- noong araw a, wala pa si Papa Boyet noon. Ano 'yon e, eleven years or twelve years na on and off [kami].”

“Kasi minsan nararamdaman mo, pero minsan hindi mo nararamdaman. May mga insidente na naririnig ko na mismo sa kanya nanggagaling ang salita na nakakasakit ng puso. Pero balewala 'yon dahil ikaw ay isang taong umiibig,” dagdag pa niya.

Tila wala naman pinagsisisihan ang batikang aktres sa kanyang mga nagawa noon sa ngalan ng pag-ibig dahil kahit papaano'y nagdulot rin ang mga ito ng kasiyahan sa kanya.

“Masarap umibig, [kahit] hindi ka niya pinapansin, o kahit hindi ka niya [talaga] totoong love, pero sa 'yo, ikaw, 'yung puso mo para sa kanya, masaya na ako no'n,” ani Nora.

Paglilinaw naman ni Nora na maayos naman ang relasyon nila ni Tirso ngayon bilang magkaibigan. Biro pa niya, “Noong huling nagkita kami, sasabihin ko ba? Baka magalit sa akin e. Basta ang alam ko, dadating ang panahon na baka - gustuhin man ng Diyos - e, baka kami-- hindi, hindi, hindi."

Dagdag pa niya, “Pero ano na, hindi na masyado… Hindi, may kani-kaniya na [kaming] pamilya. So hindi na, tahimik na. Masaya na rin ako ngayon,” saad ng aktres.

Matatandaan na unang nagsama sina Nora at Tirso sa pelikulang Young Girl noong 1969. Matapos ito ay pumatok na sa takilya ang marami nilang pelikula hanggang sa kinilala rin sila bilang sikat na Guy and Pip loveteam sa bansa.

Maliban dito, may nakakatuwa pang naging rebelasyon si Norta kay Tito Boy nang tanungin siya kung may pagkakataon ba na may nagkakasabay-sabay sa kanyang mga naging karelasyon. Sinagot naman ito ni Nora nang pabulong, “Lima!”

Paglilinaw ni Boy, “Lima silang magkakasabay?”

Masayang sagot naman ng batikang aktres, “Oo 'yung iba naman, ano lang e, fling-fling lang 'yon.”

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.