
Excited na sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ang celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez kasama ang King of Talk na si Boy Abunda ngayong Lunes, February 27.
Sa nasabing episode, marami sa naging tanong ni Boy kina Megan at Mikael ay tungkol sa kanilang relasyon.
Matatandaan na matagal munang naging magkasintahan ang dalawa bago tuluyang magpakasal noong 2020.
Kaya naman tanong ni Boy, “Halimbawa thirteen years in the relationship, ten years and then three years in marriage, nung umpisa ba kasi I'm watching you now kayo ba ay 'yung dalawang tao na ito ang aking non-negotiables. Ito ang non-negotiables ko from the very beginning of the relationship.”
Agad naman itong sinagot ng beauty queen-actress na si Megan. Aniya, “My non-negotiable is no cheating. If ever na mag-cheat ka then wala na 'yung relationship.”
Paglilinaw na tanong ni Boy, “Kapag nag-cheat si Fofo [Mikael], goodbye?”
“Goodbye. Parang 'yun 'yung non-negotiable ko pero I mean I haven't thought about our non-negotiable for a very long time,” saad ni Megan.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Mikael ang kanyang non-negotiable kaugnay sa sagot ng kanyang asawa na si Megan.
“I think semantics 'to na Megan 'yung non-negotiable is a strong word for you I'm sure. For me, non-negotiable it's a core of our relationship. Parang 'yun yung foundation, na this is where our relationship is built,” saad ni Mikael.
Paglalahad pa ng aktor, “Para sa akin ang [non-negotiable] two things lang 'yun. First, complete honesty, very similar to what you said open communication, absolute complete honesty and it doesn't have to be instant but we also have to continue to build towards that. 'Yung pangalawa doon, is you [Megan] need to be able to take care of yourself.
Sunod naman na tanong ni Boy kay Megan ay kung matatanggap niya pa si Mikael kung umamin ito sa kanyang pagkakasala.
Sagot naman ni Megan, “No, kasi paano nangyari in the first place? Parang marami bang instances bago ka nag-cheat perse that lead up to that. So sa una pa lang hindi siya naging honest, so na-break na 'yung pinaka-core which is 'yung honesty.
“Yes naging honest at that point na nag-confess ka pero bago pa 'yun, dishonest ka.”
Pagbabahagi pa ni Mikael, normal sa isang tao ang magkamali ngunit dapat ay maging responsable na tanggapin ang consequences na kaugnay ng pagkakamali.
Aniya, “We are humans so we make mistakes but we need to be able to accept the consequences and minsan masakit 'yung consequences but at the end of the day, life goes on.
“Para sa akin sometimes there are consequences na sobrang sakit dala mo habang-buhay. So para sa akin I'm ready, If I make a mistake and there's a consequence that I have to bear for the rest of my life then so be it, life has to go on.”
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ SA GALLERY NA ITO: