GMA Logo Viral Eat Bulaga poster fake
What's on TV

Viral na 'Wow Bulaga' poster na papalit umano sa 'Eat Bulaga,' peke!

By Jimboy Napoles
Published March 6, 2023 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Viral Eat Bulaga poster fake


Ibinalita ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' na peke ang kumakalat na 'Wow Bulaga' poster na ipapalit umano sa 'Eat Bulaga.'

Binigyang diin ng TV host na si Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, March 6, na peke ang kumakalat na poster ng umano'y bagong noontime show na pinamagatang Wow Bulaga.

Sa “Today's Talk” segment ng naturang programa ni Boy, ibinalita niya na hindi totoo ang nasabing poster na papalit umano sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

“Nais lamang sabihin ng aming source, isang mapagkakatiwalaang source po dito sa GMA-7 that this poster is not true. This is a fake poster. Hindi po ito totoo,” saad ni Boy.

Makikita sa naturang fake poster ang larawan nina Willie Revillame, international influencer na si Bretman Rock, Dabarkads na sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Kapuso actor na si Miguel Tanfelix, social media child star na si Tyronia Fowler at sikat na businesswoman na si Rosmar Tan.

Matatandaan na nag-viral ang fake poster kasabay ng pag-ugong ng isyu sa umano'y “internal conflict” at “rebranding” ng Eat Bulaga.

Dagdag pa ni Boy sa kanyang balita na maghintay na lamang sa opisyal na pahayag mula sa noontime show at huwag magpakalat ng mga hindi magandang ispekulasyon tungkol sa naturang programa.

Aniya, “Hindi rin po natin maitatatwa, ako, personal, I want to make a stand. Mayroong pinagdaraanang challenges ang Eat Bulaga pero hintayin po natin ang kanilang official statement, ang official statement po ng GMA-7 at ng Eat Bulaga para malaman po natin ang buong kuwento, ang katotohanan para we can stop speculating.”

Samantala, sa kabila ng mga kumakalat na isyu sa kanilang programa, kumpletong napanood ang original hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon noong Sabado, March 4, kung saan muli nilang inawit ang theme song ng kanilang noontime show.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.