GMA Logo Arra San Agustin, David Licauco
Source: davidlicauco (Instagram)
What's on TV

Arra San Agustin, inaming nagkaroon sila ng 'something' ni David Licauco noong sila ay nasa kolehiyo

By Jimboy Napoles
Published March 8, 2023 6:36 PM PHT
Updated March 8, 2023 10:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin, David Licauco


Bakit nga ba hindi natuloy ang "something" nina Arra San Agustin at David Licauco?

Nakangiting inamin ng Kapuso actress na si Arra San Agustin kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon sila ng “something” ng tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Sa March 8 episode ng naturang programa, isang masayang panayam ang pinagsaluhan nina Boy at ni Arra kung saan binalikan ng TV host ang naging pahayag noon ni David na naging crush niya si Arra.

“At a certain point David Licauco was very open na crush ka niya. Busted, binigyan ng pag-asa, what happened?” tanong ni Boy.

Game naman itong sinagot ng aktres. Aniya, “Si David po kasi since college, kilala ko na po siya, tapos 'yung cousin niya naging classmate ko rin sa La Salle. So nung college parang nagkaroon lang ng time na….”

“Niligawan ka?” singit na tanong ni Boy.

“Parang nagkaroon lang ng time na nag-usap lang kami for a while. Sobrang bilis lang po parang nawala na rin,” nakangiting sinabi ni Arra.

Dagdag pa niya, “Alam mo na college maraming distractions masyado e, ang dami naming ginagawa.”

Muli namang nagtanong ang si Boy upang malinawan. “Pero nagparamdam?” anang TV host.

Pag-amin naman ni Arra, “Nagparamdam po ng very slight lang naman.”

Paglilinaw ng aktres, hindi naman nagtuloy pa sa malalim na relasyon ang ugnayan nila ni David noon.

“But it didn't progress to anything?” huling tanong ni Boy kay Arra.

“Hindi po,” sagot ng aktres.

Samantala, mapapanood naman si Arra sa mega serye na Mga Lihim ni Urduja, gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN SA GALLERY NA ITO: