GMA Logo ruru madrid and bianca umali
What's on TV

Ruru Madrid at Bianca Umali, naghiwalay noon dahil sa ibang babae

By Jimboy Napoles
Published March 9, 2023 8:52 PM PHT
Updated March 9, 2023 8:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid and bianca umali


Lingid sa kaalaman ng publiko, halos isang taon na naghiwalay noon sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Alamin ang buong dahilan dito:

Inilahad ni Ruru Madrid na minsan na rin siyang nakipag-usap sa ibang babae bago at sa umpisa ng relasyon nila ni Bianca Umali noon.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, March 9, inilahad ni Ruru sa TV host na si Boy Abunda ang mga bagay na kanyang nagawa na naging dahilan ng hiwalayan nila noon ni Bianca.

Kuwento niya, “Siguro noong time na 'yun Tito Boy medyo bago pa lang din po kami. First time ko sigurong maging seryoso sa relationship. I mean before Bianca, may times sa sarili ko na parang I know its hard na aminin 'to pero parang naging ganun po talaga ako. Gusto ko rin pong maging honest sa inyo na para akong nakikipag-date sa like for example beauty queens, sa artista, so that maipagmalaki ko.”

Ayon kay Ruru, naging “ego booster” para sa kaniya ang makipag-date sa mga babae noon.

“May ganun akong klaseng trait before, na parang feeling ko ego booster siya for me, na parang kapag nakipag-date ako sa certain girl na sikat o ganyan nakaka-boost siya ng ego ko. Then I realized, nung nakilala ko si Bianca, hindi dapat 'yun 'yung mga bagay na dapat ipagmalaki ko. I mean, dapat ipagmalaki ko ay 'yung mga bagay na totoo,” sabi ni Ruru.

Aminado si Ruru na sa nangangapa pa siya simula ng relasyon nila ni Bianca at ito rin ang unang beses na pumasok siya sa seryosong relasyon, kung kaya't natukso pa siya na makipag-usap sa iba.

“Noong time na 'yun siguro nangangapa pa ako kasi first time ko rin maging seryoso sa relationship. Parang somehow sa sarili ko sinubukan ko na kaya ko pa rin ba? Kaya ko pa rin bang kumausap ng ibang babae, kaya ko pa rin bang manligaw? Somehow 'yun 'yung dati kong sarili na tina-try kung kaya ko pa rin bang gawin ang mga ganung bagay,” ani Ruru.

Pero walang nangyaring maganda sa ginawang ito ni Ruru, bagkus ay nasaktan niya pa ang mahalagang babae para sa kaniya -- si Bianca.

“Number one, Tito Boy, nakita ko 'yung worth ni Bianca. Doon pumasok 'yung, 'Kapag wala sa 'yo, doon mo siya hahanapin.' Kapag nandiyan siya sa tabi mo parang tine-take for granted mo siya, pero noong naramdamam ko na wala siya sa akin, doon ko naramdaman na, hindi ko kayang wala siya,” paglalahad ng aktor.

Matapos ito, nagtiyaga si Ruru na muling ligawan si Bianca nang halos isang taon upang maibalik ang kanilang relasyon.

“So, sinabi ko sarili ko kahit eight months ako na nanligaw sa kanya ulit, sabi ko, hindi ako mapapagod na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya ka-importante sa akin.

“I did everything para maging okay 'yung relationship naming dalawa kasi alam ko sa sarili ko na kapag kasama ko siya, I'm at my best. Kapag hindi ko siya kasama, parang pakiramdam ko I'm lost. Siya yung nagbibigay ng liwanag ng daan para sa akin pero nasaktan ko 'yung babaeng 'yun,” ani Ruru.

Samantala, muli namang mapapanood si Ruru sa primetime sa kanyang bagong serye na The Write One, kung saan niya first time niyang makakatambal ang girlfriend niyang si Bianca.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: