GMA Logo Boy Abunda
What's on TV

Boy Abunda, hindi pinangarap na maging isang TV host: "Hindi lahat ng pangarap klaro"

By Jimboy Napoles
Published March 14, 2023 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Kung hindi isang TV host, ano kaya ang propesyon ngayon ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda?

Isa sa mga tinitingalang TV personality sa bansa ay ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda dahil sa kanyang tagal sa industriya at husay sa pakikipanayam bilang isang TV host.

Pero sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com, sinabi ni Boy na wala naman siyang pangarap noon at hindi niya inisip na maging isang TV host.

Ayon kay Boy, ang kanyang ina ang nangarap sa kanya na maging isang accountant dahil sa pag-aakala nitong magiging mayaman ang kanilang pamilya kung makakapasok siya sa bangko.

Kuwento niya, “Wala akong pangarap na nakasulat. I didn't want to be a lawyer… nanay wanted me to become an accountant dahil doon sa maliit na bayan namin, nanay was a public school teacher for 41 years, 11 months and two days, grade one po ang tinuruan ng aking ina.

“Ang pangarap ng nanay gusto niya na maging accountant ako kasi gusto niyang magtrabaho ako sa PNB, ang akala ng nanay kapag nagtrabaho ka sa bangko e, mayaman ka. Siyempre lahat naman kami ang inuutangan namin bangko, Philippine National Bank.”

Mas lalo pa raw pinangarap ng kanyang ina na makapagtrabaho siya sa bangko nang masangla ang kanilang bahay noon.

“I had that story about my father passing away, umuwi ako ng Borongan, Eastern Samar, sabi ng nanay nakasangla ang bahay namin sa PNB so I understood her, her expressed dream for me was, 'Sana maging accountant ka.'”

Bukod sa kanyang ina, pangarap naman ng kanyang ama para sa kanya ay ang maging abogado.

“Tatay, dahil sa sobrang kadaldalan ko, dreamt of me becoming a lawyer dahil para magamit daw 'yung daldal ko at meron pa silang agenda noon. Sa probinsiya, 'pag abogado ka at saka CPA [Certified Public Accountant], merong placard sa labas ng bahay, 'Eugenio Boy Abunda Jr. attorney at law slash CPA,' pangarap 'yun ng mga magulang ko, ako wala,” kuwento ni Boy.

Paglalahad ni Boy ay wala talaga siyang pangarap para sa kaniyang sarili, pero naging malinaw ang kaniyang kagustuhan sa buhay nang mamatay ang kanyang ama at maiwan silang dalawa ng kaniyang ina.

“I did not verbalize, I did not write what I wanted to become. Naging solid sa akin 'yung pangarap ko noong nawala ang tatay noong pumanaw ang tatay, iisa lang 'yung… hindi ko alam kung pangarap 'yun, pero 'yung vision ko, 'yung goal ko sa buhay, was to provide the best I could for my mother, if you call it a dream, it was my dream,” ani Boy.

Pagbabahagi pa ni Boy, hindi niya naisip na magtrabaho bilang isang television host dahil hindi niya alam na may ganitong propesyon. Sa katunayan, hindi niya rin alam na mayroong TV set dahil wala naman nito sa kanilang probinsiya noon.

Aniya, “Telebisyon… hindi ko pangarap. Nakita ko po ang unang television set noong ako'y nagpunta na dito sa Maynila, wala naman akong ideya na mayroong TV set. Ang alam ko lang si Nora Aunor ang aking idolo ay sikat na sikat.

“Radyo, bumili ang aking mga magulang pero sa buong bayan namin, wala pang TV set noon.”

Hindi rin plinano ni Boy na makapasok sa teatro kung saan una rin siyang nakilala bago magtrabaho sa telebisyon.

“I also didn't dreamt of getting into theater kasi 'yun ang take-off point ng aking karera, wala e,” anang TV host.

Paglilinaw ni Boy, “Anong ibig sabihin noon? Hindi lahat ng pangarap klaro. Pero dapat klaro ang intensyon mo sa buhay. Ako, to be able to provide for my mother was the clearest intention I had.”

Nang makapasok sa telebisyon ay unti-unting naging maganda ang takbo ng karera ni Boy bilang isang TV host. Dahil dito, nagawang makaipon ni Boy kasabay ng kanyang paggawa ng kaniyang pangalan sa industriya.

Dahil dito, nagawang tuparin ni Boy ang kanyang pangarap sa sarili na bigyan ng maayos na buhay ang kaniyang ina lalo na sa pagpapagamot nito.

Kuwento ni Boy, “For the longest time, kalusugan lang ng nanay ko, kalusugan lang ng pamilya ko, kaya when I was able to earn enough money, lahat ng puwedeng gawin para lang mabigyan ng the best health care ang aking ina, ginawa ko.

“Dinala ko po ang nanay ko sa Germany, sa Paris, kung saan nagsasabi na mayroong gamot, I would go to where the medication was available. Ýung iba kasi ano e, pangarap ko lang magkaroon ng ganito, pangarap ko lang magkaroon ng bahay, pero lahat ng ýun may kinalaman sa nanay ko totoo yun.”

Ayon pa sa tanyag na host, nakabili siya ng maraming bahay sa iba't ibang lugar dahil sa kagustuhan ng kaniyang ina.

Aniya, “May bahay ako sa Tagaytay, may bahay ako sa Baguio, may bahay ako sa Lipa, may bahay ako sa Borongan, pero lahat ng ito hindi para sa akin. It was all because nanay like Tagaytay kasi malamig, nanay like Lipa kasi parang Samar doon sa aming farm, nanay like Baguio kasi malamig, ginawa ko lahat yun.”

Dahil naging sentro ng buhay ni Boy ang kanyang ina, aminado siyang naging mahirap para sa kaniya ang magsimula muli nang pumanaw ito.

Aniya, “I had a very clear purpose in this life. Kaya mahirap nung pumanaw ang nanay, ang pinaka-malaking tanong ko sa sarili ko sabi ko, 'How do I move forward?'”

“Nawalan ako ng dahilan. It took a while, It took a lot of voices. Mga boses na nagmamahal sa akin to put me back into my pathway. Kaya sinasabi ko na ayokong mawala ýung pain sa pagkawala ng nanay ko, I don't want to lose that pain, because that pain is the only connection to my mother,” ani Boy.

Sa panayam kay Boy, ibinahagi rin niya ang legacy na gusto niyang iwan bilang sa lahat ng mga manonood na sumuporta sa kaniya.

“Simple lang, kung ano man ang ginagawa ko ngayon, parati kong sinasabi na I will be forgotten, we, all, will be forgotten. As a talk show host, para sana mas mahaba 'yung pag-alala sa akin as someone who encourages the world to make their mothers proud.

“Klaro naman ako doon e, that had always been my mantra to make your nanay proud kasi naniniwala ako [doon]. Dinagdagan ko nga ngayon dito e, sa Fast Talk with Boy Abunda, I say now make your nanay and your tatay proud para mas buo pakinggan.”

Ayon kay Boy, ang titulong 'King of Talk' ay maaaring makalimutan at lumipas, pero ang iyong karakter bilang isang indibidwal ang higit na mas magtatagal.

Aniya, “So 'yung King of Talk that's ephemeral, thats passes itong mga titulo. But who you are as a person is more important dahil 'yun ang mas nagtatagal. Wala akong ilusyon na sabi ko nga as a manager, as a writer, the one immutable law in the business is that nothing, nothing lasts forever.”

Subaybayan si Boy at ang kanyang puso sa pusong mga panayam sa mga celebrity sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN ANG TV HOST NA SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: