
Napuno ng kilig ang episode ngayong Lunes, March 20, ng Fast Talk with Boy Abunda kasama ang aktres na si Klea Pineda at ang kaniyang non-showbiz girlfriend na si Katrice Kierulf.
Matatandaan na masayang inamin ni Klea sa Updated with Nelson Canlas kamakailan na siya ay bahagi ng LGBTQIA+ community at kinikilala niya ang kaniyang kasarian bilang isang lesbian.
Sa pagpapatuloy ng makulay na kuwento ni Klea, proud na sumalang ang aktres sa isang one-on-one interview kasama ang TV host na si Boy Abunda, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang saya sa pagiging totoo sa sarili. Dito ay inamin din ni Klea na siya ngayon ay may girlfriend na sumusuporta sa kaniyang naging desisyon mag-out sa publiko.
Kuwento ng aktres, “Na-excite siya for me. Sobrang supportive niya sa akin. [Tinanong] ko rin siya kung okay lang sa kaniya kasi once na mag-out ako, mag-a-out na rin siya sa public. So, [tinanong] ko siya kung okay lang sa kaniya yun, ang sagot niya sa akin, Tito Boy: 'Hinihintay lang naman kita.' Kaya sobrang nararamdaman ko 'yung suporta niya.”
Hindi naman pinalagpas ni Boy ang pagkakataong makita ang girlfriend ni Klea na si Katrice, na nanonood lamang sa studio kung kaya't inimbitahan niya na ito sa set kasama nila ni Klea.
Game naman si Katrice na nagtungo sa set at agad naman siyang sinalubong na mahigpit na yakap ni Boy. Matapos ito ay personal siyang nagbigay ng mensahe para sa kaniyang partner na si Klea.
Ani Katrice, “Naiiyak ako, Tito Boy, kasi finally she made it. She's speaking her truth already to everyone and I'm so proud of her. So, very heartfelt talaga itong desisyon niya and I'm very supportive of her talaga Tito Boy.”
Masayang-masaya rin si Boy sa pag-come out ng dalawa sa kaniyang programa na nasaksihan pa ng maraming manonood.
“I'm proud of both of you. Salamat for sharing your story with us,” nakangiting sinabi ni Boy.
Proud din na pinasalamatan ni Klea si Katrice sa suporta at pagmamahal nito sa kaniya.
“Thank you for everything, hon. Thank you and I love you so much,” mensahe ng aktres.
Samantala, mapapanood si Klea sa GMA Afternoon Prime series na AraBella.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG GLOW-UP TRANSFORMATION NI KLEA PINEDA SA GALLERY NA ITO: