GMA Logo kris bernal on fast talk with boy abunda
What's on TV

Kris Bernal, nilinaw na hindi naging BF si Aljur Abrenica: 'Love team lang talaga kami'

By Jimboy Napoles
Published March 21, 2023 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal on fast talk with boy abunda


Kris Bernal at Aljur Abrenica, magkaibigan pa rin ba? Alamin ang sagot ng aktres dito sa 'Fast Talk With Boy Abunda':

Excited na sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ang aktres at soon-to-be mom na si Kris Bernal, na napaaming tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng dating on-screen partner na si Aljur Abrenica.

Bago pa man magsimula ang “Fast Talk,” agad na nagtanong ang TV host na si Boy Abunda kay Kris tungkol kay Aljur.

“Naging kayo ba ni Aljur Abrenica?” pambungad na tanong ni Boy.

Game naman itong sinagot ni Kris, “'Yun ang hindi talaga. Love team lang talaga kami.”

“Hindi nagparamdam?” sunod na tanong ni Boy.

Ayon naman kay Kris, nagparamdam naman si Aljur sa kaniya noon pero hindi ito natuloy sa pakikipagrelasyon.

Aniya, “Nagparamdam ng konti pero hindi nag-work as real couple, talagang as a love team lang. “

Dagdag pa ni Kris, may mga panahon din noon na hindi sila nagkakasundo ni Aljur pero hindi nila ito ipinapakita on cam.

“I guess, feeling ko naramdaman niya rin that time na parang hindi ako interested at saka may mga times na hindi kami nagkakasundo, e.

“Sa totoo lang, may times na magkaaway kami pero kailangan as a love team, sweet-sweetan kami,” anang aktres.

Matapos ito, napaamin din si Kris na hindi pa sila nagkakausap ngayon ni Aljur dahil ito sumasagot sa kaniyang mga mensahe.

Tanong ni Boy sa aktres, “Yes or No, are you still friends with Aljur?”

Saglit naman na natahimik si Kris at masayang sinabi na, “Half.”

Paliwanag niya, “Hindi niya ako nire-replyan, Tito Boy, e. Ilang beses ko siya inaaya sa vlog ko, hindi niya ako nire-replyan.”

Samantala, sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni Kris ang mga pagbabago sa kaniyang buhay simula nang magbuntis sa kanilang first baby ni Perry Choi.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN NAMAN ANG CUTE AT MAKULIT NA MATERNITY SHOOT NINA KRIS BERNAL AT PERRY CHOI SA GALLERY NA ITO: