
Kasabay ng paglilinaw ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan sa totoong dahilan ng kaniyang pag-alis noon sa SexBomb Girls, sinabi ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda na nais niyang makasayaw muli ang dating mga kasamahan sa nasabing grupo bago mag-settle.
Sa panayam ni Rochelle sa naturang programa kasama ang TV host na si Boy Abunda, isa sa kanilang napag-usapan ay ang kaniyang pag-pursue ng solo career. Dito ay nilinaw ng aktres na maayos ang naging pagpapalaam niya noon sa dating grupo.
Kaugnay nito ay muling nagtanong si Boy kay Rochelle. Aniya, “I want to confirm, was there a time, na 'di umano'y ayaw mong itabi ang pangalan mo sa pangalang SexBomb?”
Agad naman itong sinagot ni Rochelle, “Naku, hindi naman. Hindi totoo.”
Pagbabahagi pa ng aktres, nais niya pa ngang makasayaw muli ang SexBomb Girls bago sila mag-settle.
Aniya, “Hindi, Tito Boy, kasi gusto ko nga sana kaming mag-reunion, e. Bago ikasal, gusto ko magkasama-sama muna kaming sumayaw muna nang buo. Itong grupo na 'to, dito ako nakilala, dito ako nagsimula, dito talaga sa Eat Bulaga.”
“Kapag sumayaw ako kasama sila nang buo, puwede na ako mag-settle,” dagdag pa niya.
Matapos makilala noon bilang leader ng SexBomb Girls, sumikat si Rochelle bilang aktres dahil sa kaniyang naging pagganap sa iba't ibang teleserye at pelikula. Sa ngayon, napapanood si Rochelle sa GMA Primetime Series na Mga Lihim ni Urduja.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG AGELESS BEAUTY PHOTOS NI ROCHELLE PANGILINAN SA GALLERY NA ITO: