GMA Logo Paul Salas
What's on TV

Paul Salas, inaming ngayon lang nawala ang bitterness sa kaniyang ex-girlfriend

By Jimboy Napoles
Published March 23, 2023 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Momo resigns as member of 2026 nat'l budget bicam
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Matapang na sinabi ni Paul Salas na ngayon lang nawala ang kaniyang bitterness sa dating nobya.

Inamin ng aktor na si Paul Salas sa Fast Talk with Boy Abunda na ngayon lang nawala ang bitterness niya sa kaniyang ex-girlfriend matapos siyang ma-trauma sa naging relasyon nila noon.

Sa episode ng nasabing programa ngayong Huwebes, game na sumalang si Paul at kaniyang girlfriend na si Mikee Quintos sa isang panayam kasama ang TV host na si Boy Abunda.

Sa naturang interview, ibinahagi ni Paul na nagkaroon siya ng trauma sa kaniyang past relationship na bunga rin ng naging karanasan niya noon sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.

“Nahihirapan ka kapag iniiwanan ka. That last relationship you had was very public, it was extremely public, ang gulo. How did you survive that?” tanong ni Boy kay Paul.

Aminado si Paul na naging masyado rin siyang seloso noon na nakadagdag pa upang maging toxic ang kanyang nagdaang relasyon sa dating nobya.

“Kaya rin po Tito Boy naging toxic dahil mayroon po sa sarili ko na nandoon na 'yung trust issues ko, nandoon na 'yung tamang hinala ko like aminado po ako sa sarili ko sobra pa ako seloso, kasi may makausap lang na ibang lalaking kaibigan yung nagiging karelasyon ko feeling ko lolokohin na ako, feeling ko iiwanan na ako,” saad ni Paul.

“How far did you go in that last relationship? Inakusahan ka ng maraming bagay,” tanong muli ni Boy.

“Actually aaminin ko ngayon lang nawala 'yung pagiging bitter ko sa kaniya. Kasi 'yung time po na 'yun hindi ko matanggap actually na ilabas 'yung mga ganung news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo,” anang aktor.

Paglilinaw ni Paul, masaya na siya ngayon sa kaniyang personal na buhay dahil na rin sa tulong ng kaniyang girlfriend na si Mikee.

Sabi niya, “I'm okay now.”

Samantala, kasalukuyang mapapanood ngayon sina Paul at Mikee sa GMA Primetime series na The Write One kasama ang kanilang kapwa celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG KILIG MOMENTS NINA PAUL SALAS AT MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: