
Proud na sinabi ng aktres/host na si Gelli de Belen na walang kompetisyon sa kanila ng kaniyang mga kaibigan na sina Carmina Villarroel, Aiko Melendez, at Candy Pangilinan.
Sa pagsalang ni Gelli sa isang one-on-one interview kasama ang TV host na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, isa sa kanilang nagpag-usapan ay ang matagal na nilang friendship nina Carmina, Aiko, at Candy.
Ayon kay Gelli, kilalang-kilala na siya ng kaniyang mga kaibigan dahil bata pa lamang sila ay nabuo na ang kanilang samahan.
Aniya, “They understand me and I do not have to explain who I am, what I am believing, because they understand, we practically grew up together so nakikita pa lang nila ako alam nila na, 'Anong nangyari?'”
Pagbabahagi pa ng batikang aktres, harap-harapan nilang pinupuna ang isa't isa kung may napapansin man silang mali.
“Kahit na diyina-judge namin 'yung isa't isa. We judge each other [face to face] as well,” ani Gelli.
“But it takes a relationship to be able to do that,” sundot naman ni Boy,
Isa pa sa ipinagmamalaki ni Gelli sa kanilang pagkakaibigan na apat, ay wala silang kompetisyon sa isa't isa.
“It's always been clear to all of us. One thing with us is wala kaming selosan. Wala kaming selosan about… there's no competition and that's important kasi we're in the same industry.
“If she's getting something, ay fabulous. Libre mo kami, hello,” anang aktres.
“Nag-uutangan kayo?” tanong naman ni Boy.
“Oo naman. Kapag mayroong kailangan ang isa,” proud na sinabi ni Gelli.
Sa katunayan, pati nga raw damit, bag, sapatos, ay naghihiraman din sila.
“Pero wala kayo noong boyfriend naman ang pinag-awayan?” tanong pa ni Boy.
“Ay wala 'yan. Or maybe kasi buwisit kami doon sa boyfriend, baka. Pero 'yung we like the same [guy] never,” ani Gelli.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NI GELLI DE BELEN SA GALLERY NA ITO: