TV

Erika at Jakob Poturnak, uncomfortable noon sa pagiging 'hot momma' ni Ina Raymundo?

By Jimboy Napoles

Isa sa mga itinuturing na hottest celebrity mom sa show business ngayon ang aktres na si Ina Raymundo dahil sa pagiging sexy and fit nito.

Sa March 29 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, game na sumalang sa isang one-on-one interview si Ina kung saan napag-usapan nila ng TV host na si Boy Abunda ang kaniyang pagiging ina sa mga anak na sina Erika at Jakob Poturnak.

“What about your children, paano kapag sinasabi [sa kanila na], 'Your mom is so hot?” tanong ni Boy kay Ina.

Ayon kay Ina, sa una ay hindi kumportable ang kaniyang dalawang anak dahil sa kaniyang pagiging “hot momma” o “not a typical mom.”

Aniya, “Sa panahon nina Erika at ni Jakob siguro they felt uncomfortable at that time siyempre 'yung mga age na thirteen and fourteen, fiteen, medyo may angst sila so hindi nila ma-accept.”

Kuwento pa ni Ina, “I remember Jakob told me one time na, 'I wish you were a normal mom.'

“But he was at that age na you know angst na may rebellious streak."

“At saka natutukso [ng mga kabigan],” sundot ni Boy.

“Probably he felt disturbed about that,” pag-sang-ayon naman ni Ina.

Nang tanungin naman ni Boy kung ano ang naging sagot ni Ina sa sinabi noon ng kaniyang anak na lalaki, ito raw ang kaniyang sinabi, “Sabi ko, 'No, I'm not your typical mom.'”

Mensahe pa ni Ina, hiling niya na sana ay maimpluwensiyahan niya ang kaniyang mga kapwa nanay na hindi maging tipikal.

Aniya, “I wish I could influence those moms to not be typical.”

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SUMMER-WORTHY PHOTOS NI INA RAYMUNDO SA GALLERY NA ITO: