TV

Sandy Andolong at Boboy Garrovillo, naniniwalang malalampasan ng 'First Lady' ang 'First Yaya'

By Aaron Brennt Eusebio

Tiwala ang batikang aktres na si Sandy Andolong na mas malalampasan pa ng First Lady ang naging tagumpay ng sinundan nitong First yaya.

Sa virtual press conference ng First Lady, inamin ni Sandy na pati siya ay na-excite sa mga mangyayari noong binabasa niya ang script.

"Ako, I'm very confident na kung hindi man ma-sustain, baka malampasan, especially nung nabasa ko na 'yung script," sagot ng beteranang aktres.

"Nagugulat nga 'yung PA ko, e. Katabi ko siya when I was going to [read] the script, minsan nagre-react ako, e. There was one time na napa-ano ako, e, 'Oh my God!'

"Sabi niya, 'Bakit po?' 'Wala, wala, wala.'"

Para naman kay Boboy Garrovillo, na gumaganap bilang Tatay Florencio, sisiguraduhin nilang malalampasan nila ang narating ng First Yaya dahil may mga bagong karakter ang First Lady na dapat abangan.

Aniya, "Nung dumating 'yung offer to have book 2, I think sa loob lang ng buong cast, sigurado kaming lalagpasan namin 'yung 'First Yaya,' e."

"Kasi sa ganda nung kuwento, alam namin na 'yung spin-off talaga, mas malakas 'yung tapon, e. At saka, nakita mo naman sa mga dinagdag na cast sa 'First Lady,' talagang kinargahan 'to ng GMA.

"Hindi lang sa sigurado kami na lalagpasan namin 'yung 'First Yaya' pero 'yung tiwala na binigay sa amin ng mga head ng GMA, siguradong tatrabahuhin namin 'yan, sigurado akong lalampasan namin 'yung 'First Yaya.'"

Mapapanood ang First Lady, ang sequel sa number one program ng 2021 na First Yaya, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng '24 Oras.'

Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter dito: