TV

First Lady: Melody, alam na ang relasyon nina Glenn at Ingrid

By Aaron Brennt Eusebio

Sa ikaapat na linggo ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady, nalaman na ni Melody (Sanya Lopez) ang totoong relasyon nina Glenn (Gabby Concepcion) at Ingrid (Alice Dixson).

Noong una, sina Conrad (Pancho Magno) at Lorraine (Maxine Medina) lang ang nakakaalam sa nakaraan nina Glenn at Ingrid dahil minabuti nilang wag itong sabihin kay Melody.

Mas lalong nalungkot si Melody nang kinailangan niyang isara ang First Lady Help Center dahil sa tingin ni Ingrid ay nakakaapekto ito sa kampanya ni Glenn.

Sa pagsasara ng First Lady Help Center, pinagsabihan ni Glenn si Ingrid na ilabas si Melody sa kanyang kampanya. Sinabi rin ni Glenn sa mga tao na kahit presidente siya ay si Melody pa rin ang buhay niya.

Dahil sa mga nangyari, sinabi na ni Lorraine kay Melody na noon pa ay magkakilala sina Glenn at Ingrid. Nang tanungin ni Melody si Glenn dito, umamin siyang magkaklase sila ni Ingrid noon.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig ni Melody na nagkaroon ng affair noon sina Glenn at Ingrid. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Melody nang malaman niyang may nakaraan ang kanyang asawa at si Ingrid?

Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang mga karakter na dapat abangan sa First Lady dito: