TV

Analyn Barro, naapektuhan sa madamdaming eksena ng 'First Lady'

By Aaron Brennt Eusebio

Aminado ang aktres na si Analyn Barro na naapektuhan siya sa eksena ng First Lady sa episode kahapon, May 24, kung saan kino-comfort ni Melody (Sanya Lopez) si Nanay Edna (Sandy Andolong).

Nagkaroon kasi ng pagtatalo si Nanay Edna at pangalawang anak niyang si Gemrose, ang karakter na ginagampanan ni Analyn, dahil ang kalaban ni Melody sa pagkapangulo na si Allegra (Isabel Rivas) ang sinusuportahan nito.

Tweet ni Analyn, "That 'bigyan pa ulit ng chance' scene of Pamilya Reyes made me cry off screen.. Naka upo lang ako sa gilid habang pinapanood eksena nila. Ang sakit-sakit."

"Ramdam ko 'yung pagmamahal nila kay Gemrose. Ramdam ko 'yung pain kahit wala ako dun sa eksena."

Matapos ang komprontasyon nina Nanay Edna at Gemrose, pinaalala ni Melody sa kanyang ina kung ano ang tinuro sa kanila ng Tatay Florencio (Boboy Garrovillo) noong nabubuhay pa ito, na bigyan pa ng chance ang mga tao kahit nagkamali ito.

Panoorin ang nakakaantig na eksena na 'yan dito:

Panoorin ang lalong gumagandang istroya ng First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, tingnan ilang sexiest photos ni Analyn dito: